Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

K Brosas, binastos ng isang lalaki; Hinawakan daw ang dibdib: “hinampas ko…”

Naibahagi ni K Brosas ang isa sa mga weird experience bilang isang singer


– May nakaraang binalikan ang singer comedienne na si K Brosas hinggil sa isang lalaking nambastos sa kanya habang kumakanta nang live

– Hinawakan daw kasi ng audience ang kanyang dibdib kaya naman nagulat ang singer – Iniyakan din daw niya ang pangyayaring iyon ngunit minabuti nalang niyang huwag na itong ipakita sa kanyang mga kasamahan

Binalikan ng singer na si K Brosas ang pangyayari noon na may nambastos sa kanyang isang lalaking mismong audience rin habang siya ay kumakanta sa isang live show.


Hinipuan kasi siya ng isang lalaki sa kanyang dibdib habang kumakanta ito nang live. Naibahagi niya ito sa presscon ng bagong show niya sa TV5 nang mapag-usapan nila doon ang kanilang mga kakaiba o mga weird experiences nila bilang isang singer at performer.

Kasama rin niya si Ethel Booba sa nasabing presscon ng “Lakwatsika”, ang bagong programa ng Kapatid Network, bilang kanyang co-host.

Kaya naman sa question and answer portion, natanong sila kung ano ang sa tingin nila ang weird o pinaka-malalang nangyari sa kanila bilang mga artists na rin.

Nauna namang sumagot ang dating “Tawag Ng Tanghalan” judge na si K Brosas. Aniya, may nanghipo sa kanya habang kumakanta siya nang live.

Ito raw ay mula sa audience ng show nang biglang hinawakan ng lalaki ang kanyang kaliwang dibdib. Iniyakan niya rin daw ang pangyayaring iyon ngunit minabuti nalang niyang huwag na itong ipakita sa kanyang mga tao at kasamahan.

“Nagulat ako siyempre, pero yung unang reaksyon ko, okay sige part of life. So, sabi ko, ‘ah ganu’n ba, gusto mo rin ba yung kanan!?’

“Du’n parang naano siya…kasi nakita niya palaban ako, e. Du’n parang nahimasmasan na siya. Na-realize siguro niya na mali ang ginawa niya.

“Tapos nu’n hinampas ko siya ng…ha-hahaha! Yun lang yun. Yung iba naman, sumisigaw ng, ‘Kumanta ka na lang,” dagdag salaysay pa ni K Brosas.

“E, sa akin, normal na lang yun na merong mga magsasalita ng hindi maganda. E, you can’t please everybody. Meron at meron talagang mangnenega sa yo,” pagbabahagi pa ni K.



K Brosas, binastos ng isang lalaki; Hinawakan daw ang dibdib: “hinampas ko…”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments