Sa patuloy ngang paglabas ng resulta ng botohan para sa Halalan ngayong taon ay lumalabas na si dating senator Bongbong Marcos ang siyang nangunguna.
Sa patuloy ngang paglabas ng resulta ng botohan para sa Halalan ngayong taon ay lumalabas na si dating senator Bongbong Marcos ang siyang nangunguna.
Mahigit sa doble ng boto ni VP Leni Robredo ang tinatamasang boto ngayon ni Bongbong Marcos mula sa mahigit 98% ng total votes.

Kaya naman nagbahagi na ng kanilang mensahe ang ilang masugid na taga suporta ni Vice President Leni Robredo kabilang na si Ogie Diaz.
Matatandaan ngang isa sa mga bukal sa pag suporta ang showbiz manager, vlogger na si Ogie Diaz sa pagtakbong ito ni VP Leni Robredo sa pagka pangulo.
Sa kaniyang facebook account ay nagbahagi ng litrato si Ogie Diaz kung saan may caption pa itong, “Everything happens for a reason, pero…” at sa litrato mababasa ang “Sana Mali Kami, Sana Tama Kayo”

Marami ang sumang ayon sa naturang post niya, isang netizen pa ang nagsabi, “Alam kong hindi tayo mali, sana TAMA lang din sila.”
May isa naman ang nagsabi ng, “Let us pray for a better nation under uniteam. Sana tama sila.”
As of this writing nga ay umani na ng mahigit sa 77,000 reactions ang naturang post ni Ogie.

Ogie Diaz sa saloobin patungkol sa Halalan, “Sana Mali Kami, Sana Tama Kayo”
Source: Babaero Balita


0 Comments