Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Joshua Garcia, binati ang ‘rumored girlfriend’ na si Ria Atayde

Bakit kaya tinawag na rumored girlfriend ni Joshua si Ria Atayde?


Hindi nababahala ang Kapamilya stars na sina Joshua Garcia at Ria Atayde sa mga tsismis na nag-uugnay sa kanilang dalawa patungkol sa umano’y totoo nilang relasyon.

Bilang patunay na mahinahon nila itong hinaharap, nagpalitan kamakailan ng nakakatuwang mensahe ang dalawa para ipagdiwang ang kaarawan ng aktres na si Ria Atayde. Binati ni Joshua ang aktres sa pamamagitan ng pag-post ng larawan nito sa kanyang Instagram story para sa espesyal nitong araw. Sa caption nito ay nakasulat ang “Happy birthday rumored girlfriend!

Agad naman itong sinagot at pinasalamatan ng aktres. “Salamat My Liwanag and rumored boyfriend! Labyu!” aniya.


Oktubre noong nakaraang taon ay nilinaw na ng aktres sa programang “Pop Cinema” ng Cinema One na magkaibigan lang sila ng aktor.

Nagsimula ang mga tsismis na nag-uugnay sa dalawa pagkatapos nilang sumama sa ilang “barkada trip” kasama ang reel-to-real couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, at Sofia Andres at ang nobyo nitong si Daniel Miranda.

“We laughed about it. It’s actually like something, ‘uy rumored boyfriend halika rito.’ Like, I mean, we are friends,” wika ni Ria.

Paliwanag pa ng aktres, naging close sila ni Joshua dahil nakatrabaho nito ang kanyang inang si Sylvia Sanchez sa 2016 series na “The Greatest Love.”

Magkasama rin ang dalawa sa primetime drama na “Viral Scandal.”

“I am super super comfortable with him. Because nga he is my mom’s grandson in ‘The Greatest Love’ and because of that he actually celebrated Christmas with us that year and we’re close. Like we just don’t post about each other or anything. Pero ‘yun nga we’re close because of that,” aniya.

Things got busy pero we always keep in touch throughout the years. Then kasi we are also working together on ‘Viral’ so you know lot of reasons to hang out. And he also just recently started playing golf with the boys of my friend group. Now he is part of it as well. So it’s really just that.”



Joshua Garcia, binati ang ‘rumored girlfriend’ na si Ria Atayde
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments