Nagpadala ng bulaklak at mensahe para kay Ana Jalandoni ang manager ni Kit Thompson na siyang may-ari rin ng Cornerstone
Sa gitna pa rin ng patuloy na imbestigasyon ng reklamo ng sexy star na si Anna Jalandoni sa pambubugbog sa kaniya ng nobyong si Kit Thompson ay nagbahagi ito ng isang IG story.
Ibinahagi nito ang isang litrato kung saan makikita ang bulaklak na ipinadala sa kaniya ng may-ari ng Cornerstone na si Erickson Raymundo, ang talent agency ni Kit Thompson.
Kalakip ng naturang regalo ni Raymundo ang isang liham kung saan pinalalakas nito ang loob ni Ana at nananalanging maging mabilis ang pag-galing niya.
“Dear Ana… Please know that you are in our prayers and we fervently hope for your speedy recovery. See you when you feel better and let us know if you need anything from us. God bless…. Love, Erickson Raymundo and your Cornerstone Family,” sabi sa naturang sulat.

Sa kasalukuyan nga ay nakakulong ngayon ang aktor na si Kit Thompson at sinampahan na ng kaso ng kampo ni Ana Jalandoni.
Matatandaang nitong nagdaang linggo ng pumutok ang balita ng pagkakadakip ng pulisya kay Kit Thompson sa tinutuluyan nilang hotel ng nobya.
Ito ay matapos na magsumbong at humingi ng tulong sa pulisya si Ana dahil sa pambubugbog nga sa kaniya ng nobyong si Kit, dahilan upang agad na isugod din siya sa hospital.
“When you love someone you will never ever harm them. Minahal mo ba talaga? This is me saying, you all should be careful out there. I can’t reply to all of you right now but thank you for checking up on me. I will release a statement soon,” ang makahulugang post ni Ana isang araw makalipas ang insidente.

Sa recent statement naman na inilabas ng talent agency ni Kit na Cornerstine ay hindi umano nila kinukundena ang pananakit sa kababaihan, at mariing sinabing ipa-uubaya nila sa batas ang pangyayari.
“The Cornerstone Management does not condone any act of violence and profoundly value the dignity of women.
“We take this opportunity to clarify that our earlier statement was issued with no knowledge of any specific details as we were in receipt only of general allegations. Neither were we privy to any photos of the incident.
“In this delicate situation, we subscribe to the sound discretion of law enforcement and allow the wheels of justice to take its course,” ang buong statement nila
Manager at agency ni Kit Thompson Cornerstone nagpadala ng bulaklak kay Ana Jalandoni
Source: Babaero Balita


0 Comments