Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Costume ni Darna, unti-unti nang ibinubuking; BTS shots, ipinasilip

May munting pasilip mula sa behind the scenes ng Darna TV Series


May munting pasilip sa inaabangang proyektong ginagawa ng ABS-CBN na pinagbibidahan ng Kapamilya star na si Jane De Leon. Sa katunayan, ang “Darna: The TV Series” ang tinuturing na pinaka-malaking proyekto ng Kapamilya Network ngayong taong 2022.

Ang Royal Publications ni Fernando Poe Sr. ang kauna-unahang gumawa pelikula ng kwento ni Narda na isinabuhay ni Rosa Del Rosario. Si Liza Soberano naman ang orihinal na dapa’t sana’y gaganap na Darna ng ABS-CBN ngunit minabuti nalang ng aktres na umurong sa role ng iconic super-heroine.

Ngayong 2022, kaliwa’t kanan na muli ang paandar ng Kapamilya sa proyekto nilang sinusubaybayan ng marami. Kabilang na rito ang pag-reveal nila sa mortal na kaaway ni Darna, si Valentina, taong 2021. Ang nasabing karakter ay gagampanan ng aktres na si Janella Salvador.


Naglabas rin ng teaser-trailer ang production unit ng ABS-CBN sa likod ng ‘Darna TV Series’ sa Andito Tayo Para Sa Isa’t-Isa Christmas Special noong nakaraang taon.

Tampok rito ang mga butuin na casts ng Darna na si Jane De Leon, Joshua Garcia, at Janella Salvador. Makikita rin sa video ang makapigil-hiningang CGI nito lalong-lalo na sa visual effects sa may parteng may sumasabog sa unang minuto pa lang ng teaser.

Maikukumpara rin ito sa movie teaser na dating hawak ng Star Cinema noong si Liza pa ang dapat na nagaganap sa super-heroine role.

Mula sa mga kumikinang na costume ni Darna hanggang sa color grading at visual effects nito ay kumbinsido na ang mga tao na gagastusan ito ng ABS-CBN ng malaking halaga.

Sa Instagram ni Neil Daza, isang cinematographer at director, makikitang nakapost ang mga BTS shots ng Darna. Andito rin ang munting pasilip sa costume ni Jane De Leon, na may nakalapat pang green screen sa likod.

Ang sinasabing costume na ito ay ang boots ni Darna. Pulang-pula at makinang-kinang pa ito base sa kuha ng litrato. May kasama ring nakatayo ritong naka-green screen suit habang ginagabayan ang tila lumilipad na si Darna.

Ang litratong ito ay mula sa Instagram story ni Neil Daza kamakailan. Naka-post rin ang lalaking naka-green screen suit sa Instagram nito habang may hashtag na “darnathetvseries” sa caption.

Sa nalalapit na paglipad ng adaptation ng ABS-CBN sa Darna, nag-viral din noon sa social media ang mga mga drawing at arts ng ‘revamped’ version ng costume ni Jane.

Aliw rin ang ilan sa pagbibigay ng komento base sa costume. Ang ilan pa nga ay sinasabing mas ‘okay’ na tanggalin umano ang headdress ni Darna o palitan ng mas simple ngunit eleganteng disenyo ito.

May opinyon rin naman ang ilan na sana raw ay ‘wag masyadong revealing ang costume lalo na’t hindi lang daw doon nababase ang pagiging super-heroine ni Darna. Nakatakdang lumipad ang Darna: The TV Series ngayong taon, 2022.



Costume ni Darna, unti-unti nang ibinubuking; BTS shots, ipinasilip
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments