Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Kit Thompson, nakalaya matapos magpiyansa; Ana Jalandoni, determinadong papanagutin ang aktor

Pansamantalang makakalaya si Kit Thompson matapos na mag piyansa sa mga kasong kinakaharap nito


Kinumpirma ng isang opisyal ng pulisya nitong Lunes na nakalaya na ang aktor na si Kit Thompson mula sa pagkakakulong matapos magpiyansa para sa mga kasong may kaugnayan sa umano’y physical abuse at illegal detention na dinanas ng kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni.

Ayon sa inilabas na report ng ABS-CBN News, sinabi ni Tagaytay chief of police Police Lt. Col. Rolando Baula na pinalaya na ang nobyo ni Jalandoni na si Kit Thompson bandang ala-singko ng hapon, matapos nga nitong mag piyansa sa mga kasong kinaharap niya.

Inaresto ang aktor sa Tagaytay City noong Biyernes, Marso 18, matapos makatanggap ng mga ulat ang lokal na pulisya na umano’y sinaktan niya ang kasintahang si Ana Jalandoni sa loob ng isang silid ng hotel.


Kinabukasan, nagsampa ng reklamo ang Philippine National Police laban kay Thompson dahil sa paglabag sa Section 5 (a) ng Republic Act 9262 o ang Anti-Violence against Women and Children Act.

Sumailalim ang aktor sa inquest proceedings sa Tagaytay City Prosecutor’s Office, ayon sa PNP.

Ayon sa abogado ng baguhang aktres, “determinado” itong kasuhan si Kit Thompson dahil sa insidente na nagdulot ng pinsalang “malubhang nakaapekto” sa kanyang paningin at iba pa.

Sa gitna naman ng isyung kinasasangkutan nina Kit at Ana, nagpadala ng mensahe at bulaklak sa aktres si Erickson Raymundo, ang may-ari ng CORNERSTONE talent agency at manager ng aktor. Ibinahagi ito ni Ana sa kanyang Instagram stories.

“Dear Ana…

“Please know that you are in our prayers and we fervently hope for your speedy recovery.

“See you when you feel better and let us know if you need anything from us. God bless.

Love, Erickson Raymundo and your Cornerstone Family,” ayon sa sulat.



Kit Thompson, nakalaya matapos magpiyansa; Ana Jalandoni, determinadong papanagutin ang aktor
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments