Ibinunyag ni Francine Diaz ang kagustuhan niyang hindi makulong sa loveteam
Hindi naman tutol ang Kapamilya aktres na si Francine Diaz sa ideya na magkaroon ng isa pang ka-loveteam pero kung siya ang magdedesisyon, gugustuhin niyang mag-explore pa sa mas maraming pagkakataon na makatrabaho ang ibang personalidad sa mundo ng showbiz.
Sinabi ni Francine ang pahayag na ito sa grand virtual media conference noong Linggo para sa kanyang paparating na serye na “Bola Bola,” na mapapanood sa iWantTFC simula Marso 26.

“Ako honestly gusto ko pang mag-explore. Parang nakakatakot kasi, hindi naman sa tao, pero sa isang bagay. Nakakatakot na makulong ka lang dun and hindi ka mag-grow,” aniya.
“Parang nasa isang [box] ka lang nag-gro-grow pero sobrang limited ng mundo mo. Gusto ko mag-explore and parang adventure na rin as an actress,” dagdag pa ng aktres.

Dating ka-loveteam ni Francine ang singer-actor na si Kyle Echarri. Isa sa pinakamatagumpay nilang proyektong magkasama ay ang serye ng ABS-CBN na “Kadenang Ginto.”
Ngayon nama’y makakatrabaho niya sina KD Estrada, Ashton Salvador at Akira Morishita sa “Bola Bola.”

Nang matanong kung ano ang naging pagkakaiba ng preparasyong ginawa niya para sa dalawang proyekto, sagot ni Francine; “’Yung preparation ko for Cassie, inaral ko kung paano siya magsalita kasi matalino siyang tao. Since first ko ‘yun na kasama ako sa mga main cast, sobrang kabado ako.”
Sinabi ng aktres na baon niya ang lahat ng natutunan niya mula sa pagtatrabaho sa “Kadenang Ginto” at inilapat ang mga ito sa “Bola Bola”.
“Ngayon, ‘yung mga pagkakamali ko sa mga naunang character ko, inayos ko siya kay Thea. Ginawan ko kung paano siya maglalakad, paano siya kapag kasama niya ‘yung pamilya niya, paano siya kumilos and ano ba ‘yung binibitawan niyang words kapag nandiyan na ‘yung crush niya. Ganun ‘yung mga ginawa ko para alam ko kung anong pwede kong i-adlib na word.”
Sa direksyon ni JP Habac, ang “Bola Bola” ay hango sa libro ni Anna Geronga.
Francine Diaz, gustong mag-explore kesa makulong sa isang ‘love team’
Source: Babaero Balita


0 Comments