Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Cristy, ikinuwento kung bakit nag-away umano si Kris at Ai-Ai: “Parang nilaglag ni…”

Bakit nga ba nagkaroon ng hindi pagkaka unawaan noon sina Ainai Delas Alas at Kris Aquino?


– Ikinuwento ni Cristy Fermin kasama ng kanyang mga co-hosts ang dahilan kung bakit ‘umasim’ ang malalim na pagkakaibigan nina Kris Aquino at Ai-Ai Delas Alas

– Sinabi rin nila na ang former husband ni Kris na si James Yap ay may kinalaman sa isyu nina Ai-Ai at Kris – Kabi-kabilang balita rin noong 2015 ang lumabas na nasira umano ang kanilang pagkakaibigan, ngunit ‘di pa kumpleto noon ang mga dahilan

Sa bagong online show ni Cristy Fermin na “Showbiz Now Na”, napag-usapan nila kasama ng kanyang co-hosts na sina Romel Chika at Morly ang ilan pang detalye sa pagkakaibigan ng Kapamilya host na si Kris Aquino at aktres na si Ai-Ai Delas Alas.


Ani Cristy, kapag daw may mga problema si Kris at James noon, si Ai-Ai daw ang nagiging sandalan ni Kris upang maglabas ng emosyon. Si James Yap kasi ang former husband ni Kris Aquino. “Noong mga panahon na nagkakaroon ng problema si James Yap at saka si Kris Aquino, ang tinatawagan palagi ni Kris, si Ai-Ai.

“Diba sa best friend tayo naglalabas ng ating emosyon, nanghihingi ng payo at naghihingi ng opinyon kung ano ang ating gagawin, para matapos ang problema,” sabi ni Cristy.

Nabanggit rin niya na sa sobrang dami na ng nalalaman ni Ai-Ai sa buhay nila ni James, baka raw ang naging tugon nalang ni Ai-Ai ay ‘isoli’ nalang niya si James sa kanyang pamilya. “

So kung anu-ano ang sinasabi ni Kris na reklamo tungkol kay James Yap. Siguro si Ai-ai dahil ang dami-dami na niyang nalalamang kuwento, wala siyang ibang masasabi kungdi ‘BFF, kung di ka na masaya, isoli mo na siya sa pamilya niya,’” pagsasalaysay pa ng host.

Ayon din sa kolumnista, noong nagbati raw sina Kris at James, nabanggit daw ni Kris ang ‘suggestion’ ni Ai-Ai na ibalik sa James sa kanyang magulang.

“Sinabi niya iyon, ni Kris, noong magbati na sila ni James Yap na, ‘you know what, si Ai-Ai, she told me na ibalik na lang kita sa nanay mo,’” pagsasalaysay niya pa.

Naglabas naman ng opinyon si Morfy, co-host ni Cristy, na tila nilaglag daw ni Kris ang kanyang kaibigang si Ai-Ai. “Parang nilaglag ni Kris si Ai-Ai Delas Alas.”

Sumang-ayon naman dito si Cristy at sumagot pa ng, “Exactly. Ang nangyari, noong sabihin niya kay James Yap na ipinasasauli na siya sa pamilya niya, tinawagan ni James Yap si Ai-Ai.”

Nagalit din daw si James Yap kay Ai-Ai at nagkaroon pa ng pagtatalo sa pagitan nilang tatlo. “Galit si James Yap. Natural. Sabi niya ‘Bakit mo ako pinasosoli sa pamilya ko? Sabi ni Kris sa akin, yun daw ang sinabi mo?” dagdag ni Cristy.

“At sa pagkaka-alam ko Ate Cristy sa isang parking lot nagkita si Kris Aquino at si Ai-Ai Delas Alas, doon parang nangyari iyong sumbatan. At doon nagsimula na yung away, yung gulo,” singit naman ni Morfy.



Cristy, ikinuwento kung bakit nag-away umano si Kris at Ai-Ai: “Parang nilaglag ni…”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments