Ben and Ben opisyal ng inanunsyo ang pagiging Kakampink
Opisyal nang inihayag ng bandang Ben&Ben ang kanilang pagsuporta at paglahok sa iba pang local artist para bulontaryong ikampanya ang Presidential at Vice Presidential aspirant na sina Leni Robredo at Kiko Pangilinan.
Sa kanilang Facebook page ay kinumpirma ng banda ang kanilang pagtatanghal sa gaganaping People’s rally sa Pasig sa darating na linggo, kasabay ng kanilang pagkumpira rin na makakasama pa sila maging sa mga susunod pang campaign trail ng Leni-Kiko tandem.

Nilinaw rin ng banda na wala silang natanggap, at kailanman ay hindi tatanggap ng kabayaran para sa kanilang pagsuporta sa kampanya ni VP Robredo.
Ang People’s rally sa Pasig ay pinamagatang “PasigLaban Para Sa Tropa” at gaganapin ngayong darating na Marso 20 ng hapon, sa kahabaan ng Emerald Avenue, Ortigas.

Nabuo ang banda noong 2015, at kilala sa mga OPM hit songs tulad ng ‘Kathang-Isip’, ‘Pagtingin’, at marami pang iba.
Noon pa man ay kritikal na ang lead vocals ng banda na sina Paolo at Miguel sa mga isyung kinakaharap ng bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Noong 2020 ay ibinigay ng Ben&Ben ang kinita mula sa kanilang kantang “Nakikinig Ka Ba Sa Akin” sa isang grupong tumutulong sa mga retrenched na empleyado ng ABS-CBN, na pinasara ng administrasyong Duterte.
Samantala, ilan pa sa mga local artist na posibleng dumalo at magtanghal sa gaganaping campaign rally sa Pasig ay ang bandang Autotelic, Rivermaya, si Ebe Dancel at ang nagcompose at umawit ng campaign song na “Kay Leni Tayo” at “Rosas” na si Nica del Rosario.

Ben&Ben, pormal nang inanunsiyo ang pagtatanghal sa Leni-Kiko campaign rally sa Pasig
Source: Babaero Balita


0 Comments