Tila tiyak na si Lolit Solis na isa kina VP Leni at Bongbong ang magwawagi ngayong Halalan
Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang patungkol sa paparating na Halalan kung saan pipiliin na ng bansa ang bago nating magiging pangulo.
Sa mahigit sampung kumakandidato para sa pagka-pangulo ay hindi naman na kaila sa lahat ang dalawang frontliner sa mga kumakandidato.
Ito nga ay ang dating senador at anak ng diktador Ferdinand Marcos na si Bongbong Marcos at ang kasalukuyang Vice President na si Leni Robredo.
Kaya naman sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng kaniyang opinyon ang showbiz columnist na si Lolit Solis patungkol sa nalalapit na halalan ngayong Mayo, ibinahagi niyang sina Bongbong at VP Leni nga ang siyang nangunguna at tiyak siyang isa sa kanilang dalawa ang magwawagi.

Ibinahagi nitong parehong nangunguna sina Bongbong at Leni sa dalawang magkaibang aspeto pagdating sa halalan.
Si Bongbong ay nangunguna sa survey at kita ang kalamangan sa iba pang kandidato, samantalang si VP Leni naman ay dinadayo ng mas nakararami sa kaniyang rally.
“Parang neck to neck ang laban nila Bongbong Marcos at Leni Robledo Salve. Mataas sa survey si BBM, pero ang dami naman ng crowd ni Leni.
“Hindi mo na nga alam kung ano pa ang laban ng ibang kasali dahil ang nakikita mo na lang iyon dalawa.,” pagsisimula ni Lolit sa kaniyang pahayag.

“Alam mo na tuloy parin sila Isko Moreno, Ping Lacson, Manny Pacquiao, Ka Leodie, pero sila BBM at Leni na ang alam mong frontliner talaga.,” dagdag pa nito.
At dito nga ay sinabi niyang nakatitiyak na siyang isa na lamang kina VP Leni at Bongbong ang siyang magwawagi, na sana ay sinuman sa kanila ang magwagi ay galangin ng lahat.
“Isa sa kanila ang tiyak ng magiging Presidente natin kaya naman ihanda narin natin ang ating loobbsa pagtanggap sa kanila.
“Sinuman ang manalo, dapat natin igalang dahil talagang nakasalalay sa mga kamay niya ang ating bayan. We will honor the people choice. Kaya hintayin na kang natin ang resulta. Thy wish is our command.,” ani Lolit.
Lolit Solis kina Bongbong at VP Leni: “Isa sa kanila ang tiyak na magiging presidente”
Source: Babaero Balita


0 Comments