Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Xyriel Manabat, gustong maging ka-love team si Zaijian Jaranilla

Inamin ni Xyriel Manabat na bukas siya sa posibilidad na maging ka loveteam ang kaibigang si Zaijan Jaranilla


Inamin ni Xyriel Manabat na bukas siya sa posbilidad na maging ka-love team ang kapwa dating child star na si Zaijian Jaranilla kung sakaling mabibigyan ng pagkakataon.

“Parang feeling ko po mabibigyan po namin ng justice if ever magiging ka-love team ko po si Kuya Zaijian,” saad ni Xyriel ng bumisita ito sa morning talk show na ‘Magandang Buhay’ nitong Miyerkules. Nag-celebrate ng kanyang ika-18 na kaarawan ang dating batang aktres noong Enero, habang si Zaijian naman ay magdiriwang ng kanyang ika-21 ngayong taon.

“Kuya ko po ‘yon ha. Wala pong ano. Kuya ko po talaga ‘yon. Para pong mabibigyan namin ng justice ‘yung role,” hirit ni Xyriel.


Nagkasama noon sa mga inspirational series ng ABS-CBN ang dalawa katulad ng “May Bukas Pa”, “Noah” at “Ikaw ay Pag-ibig”.

Ayon pa kay Xyriel ay tuloy-tuloy naman ang pagiging magkaibigan nilang dalawa at itinuturing niya si Zaijian bilang kapatid.

Noong Oktubre, 2020 ay naging panauhin sa Magandang Buhay ang dalawa kung saan nila inaming namimiss na nilang makatrabaho ang bawat isa. Nakatakda sana sila noong muling makatrabaho ngunit hindi ito natuloy.

“Tinanggihan niya. Nung nalaman ko nga po na siya ang kasama ko roon sabi ko, ‘Sige G (go) na po ‘yan.’ Tapos tinanong ko po siya sabi niya hindi niya kaya dahil nga po delikado ngayon ang sitwasyon,” ayon kay Zaijian.

“Mahirap pong mag-risk. Tapos sakitin pa po ako eh parang lock-in pa po ‘yon. Mahirap po. Hindi pa po ako nakakalabas ng subdivision,” paliwanag naman ni Xyriel.

Sa kasalukuyan ay parte si Zaijian ng pinag-uusapang “The Broken Marriage Vow”, at nakatakda ring gumanap bilang sidekick ni Jane de Leon sa “Darna: The TV Series”



Xyriel Manabat, gustong maging ka-love team si Zaijian Jaranilla
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments