Sinagot ni Karen Davila ang ilang netizens na nagtatanong kung ine endorso na ba nito ni BBM
– Tila nag-saya ang mga fans ni Bongbong Marcos sa usap-usapang kasapi na rin nila ang Kapamilya host na si Karen Davila – May iba ring nagsasabi na ‘bumaliktad’ na umano si Karen dahil nalaman umano nito na mas “karapat-dapat” si BBM sa pagiging Presidente
– Nilinaw naman ni Karen sa kanyang Twitter account kung bakit siya sumama sa caravan ng Uniteam na pinangunahan ni Marcos
Samu’t-saring reaksyon ang naramdaman ng mga Bongbong Marcos supporters sa balitang suportado na di-umano ng batikang Kapamilya host na si Karen Davila ang kanilang ‘idolong’ tigre umano na si Marcos Jr.
May ilang natuwa at hindi makapaniwala sa chikang ito dahil kasama ang Kapamilya broadcast journalist sa campaign rally ng presidential aspirant sa Cavite, March 22. Hot topic din ito para sa mga ‘loyalista’ dahil spotted nga siya sa sasakyan ni BBM na kumakaway-kaway pa sa mga tao ng Cavite dahil ang akala nila ay suportado ng news anchor ang kalabang partido ng Uniteam.

Nakaka-aliw naman ang mga tweets at komento ng mga loyalists dahil baka raw ineendorso na ni Karen ang Uniteam o di kaya’y supporter na rin ito ng tambalang BBM-Sara sa pag-aakalang mas karapat-dapat di-umano sila na maupo sa pagka-bise at Presidente.
“Buti naman at pinayagan ng uniteam si Karen Davila na makisabay sa caravan. We all know na sagad to the bones pagkadilawan niyan! Iba talaga kapag mababait At walang halong paet!” reaksyon ng isang loyalista.
“Yarn na nga ba, Karen for the win. Hahaha! Dahil sa pagsama niya sa kampanya ni BBM alam na! Asahang marami pa silang babaligtad in the next few days.” umaasa naman ang isa pang supporter ni Bongbong.
“Hayaan na natin si Karen Davila na sumama sa caravan ni BBM para malaman nya kung gaano ka lakas si BBM sa mga tao.” saad pa ng ilan.

Tinuldukan naman na ng Kapamilya host ang balitang ito sa pamamagitan ng isang tweet sa kanyang account ang pag-sama niya sa grand rally ni BBM.
Aniya, trabaho lang ito at hindi sumasalamin sa kanyang personal na paniniwala. Ito raw kasi ang naka-assign sa kanya para sa campaign series ng ABS-CBN. Si Bongbong at Manny Pacquiao kasi ang naka-assign sa reporter.
“ABSCBN’s Kampanya Serye On The Road & Presidential Intvws shoots today. I have been assigned to trail Presidential Aspirants Bongbong Marcos & Sen Manny Pacquiao. Henry Omaga Diaz is covering VP Leni Robredo & my co-anchors have been assigned to other candidates. #Halalan2022,” ani Karen.
May ‘resibo’ pa ito sa balitang peke na ipinapakalat ng mga taga-suporta ng presidential aspirant. “Eto po ang resibo sana huwag magkalat ng fake news. Finished my one on one w Sen Manny Pacquiao a few nights ago, will still be joining him on a sortie soon.
“Today, I am with former Sen Bongbong Marcos for the day. Watch out for the ABSCBN SPECIALS #Halalan2022 soon!” dagdag pa niya.“Guys, I am on assignment. Behind the scenes, upclose with the presidential candidates. I am not endorsing or campaigning for any candidate. Trabaho po ito,” diin naman ni Karen sa kanyang Instagram story.
Karen Davila, isa na raw BBM supporter, sumagot: “Eto po ang resibo…”
Source: Babaero Balita


0 Comments