Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Dimples isiniwalat na ilang buwan na pala siyang buntis bago niya pa ito nalaman

Naikwento ni Dimples Romana ang pagkakataong napag-alaman niyang buntis na pala siya sa ikatlong anak nila ni Boyet


Sa latest interview ni Dimples Romana sa ‘Inside News’ ng Star Magic ay naibahagi nito ang kwento patungkol sa kung papaano niya nalamang nagdadalang tao na siya.

Sa kasalukuyan nga ay mayroong dalawang anak si Dimples, si Callie na 18 years old at si Alonzo na seven years old naman.

Makalipas nga ang mahigit sa pitong taon ng huli siyang magbuntis ay tila sinagot na raw ang kanilang panalangin, at isiniwalat pa nga nitong ine expect naman na nilang madadagdagan pa ang parte ng pamilya nila ngunit nga lang nila alam kung kailan.


“Late ko na rin talaga nalaman, kaya late na rin ‘yung reveal namin. Kasi late ko nalaman only because I was so busy. Imagine, seven years naman akong walang baby, so iniisip ko ‘okay wala.’,” pagsisimulang kwento ni Dimples sa naturang interview.

“Tapos hanggang sa antok na antok ako. That’s when I realized, ‘teka maybe I should have myself checked.’ Ang tagal ko na palang hindi natse-check.

“Around that time nu’ng nagpa-check up ako biglang nagulat, ‘hello’!… Being able to reveal it na it was a very big relief for us because then this time we get to share our joy to everybody.

“You know it’s always a great piece of news when you hear of somebody conceiving,” nangingiting pagpapaliwanag pa ng kapamilya actress.

Mahigit sa anim na buwan na ngang nagdadalang tao si Dimples at nakatakdang manganak ngayong July kaya naman ibinahagi nito ang excitement na nadarama.

“Very excited ako kasi I’ve seen how Boyet and I have become good parents, I’d like to think, I know na somehow parang nakamado na namin how we go about parenting.

“What excites me most is the possibility that you know I have three children who will be talking to one another.

“And I think the excitement and possibilities that I am only 37 and yet I get to experience what they are experiencing as a children.

“Imagine at my age I get to be a mom to a college student, a kid, and a newborn pagdating ng July. So those are three different kinds of parenting.

“Three different experiences that we get to experience with the children. Boyet and I acknowledge this answered prayer very well,” tuloy-tuloy na pagpapaliwanag ni Dimples



Dimples isiniwalat na ilang buwan na pala siyang buntis bago niya pa ito nalaman
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments