Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Angel Locsin, nakatanggap ng bulaklak mula kay VP Leni

Bilang pasasalamat sa suporta ay nakatanggap ng bulaklak si Angel Locsin mula kay VP Leni


Nagpadala ng pumpon ng mga rosas ang Bise Presidente na si Leni Robredo sa Kapamilya actress na si Angel Locsin nitong Huwebes, isang araw matapos unang beses na umakyat ang aktres sa entablado para ikampanya ito sa pagka-presidente sa naganap na People’s rally sa Tarlac City.

“Hindi po kailangan ng pabulaklak o kapalit. Picture mo lang po sa Malacañang sa Mayo, sapat na!,” ito ang isinulat ni Angel bilang caption sa litrato ng mga bulaklak na kanyang ipinost sa kanyang Instagram story. “Ang ganda ng bulaklak. Kasing ganda ng Presidente ‘ko,” pahabol pa niya.

Kasama ni Angel Locsin si Kris Aquino sa entablado ng ipakilala nito ang presidential candidate na si Vice President Leni Robredo sa mga taong dumalo sa kanyang grand rally sa Tarlac City noong Miyerkules, Marso 23.


Una ng nasilayan si Angel sa naganap na Pasiglaban rally noong nakaraang linggo kung saan kabilang siya sa lampas isandaang libong taong dumalo para magpakita ng suporta kay VP Leni.

Na-call out naman ng aktres ang isang netizen na may malisyosong komento sa pagsuporta niya kay VP Robredo para umano’y ma-renew ang prangkisa ng kanyang network na ABS-CBN sakaling manalo ito sa pambansang halalan sa Mayo 2022.

“Bakit mo naman naisip na ang aming desisyon ay nakabase lang dahil sa isang kumpanya? Oo, mahalaga sa akin ang ABS-CBN lalo na ang mga nakatrabaho ko pero ang boto ko ay para sa kung anong tingin kong makakabuti para sa ating bansa.”

“Katulad mo, ako rin ay naghahangad ng magandang kinabukasan para sa lahat,” pagpapatuloy niya.

Ipinaliwanag rin ni Angel kung bakit niya sinusuportahan ang bise presidente at ikinumpara sa katunggali nito.

“Kung sasambitin ko sa iyo kung bakit hindi si Marcos ay napakaraming dahilan-at tayo ay magaaway dahil malamang ikaw naman ang hindi sasang ayon – tulad ng hindi ko pag sangayon sa iyong mga nabangit kay VP.”

Sa pagpapatuloy ng kanyang mahabang komento, idiniin ng aktres na naniniwala siya sa kabutihang nagawa at magagawa pa ng kanyang sinusuportahang kandidato.

Marami rin siyang natulungan sa edukasyon, kalusugan, atbp. Bukod sa maasahan mo siya sa oras na kailangan natin ng tulong at hindi pag eleksyon lang, sang ayon ako sa karamihan ng mga sinabi niya kaya siya ang napili ko,” wika niya.



Angel Locsin, nakatanggap ng bulaklak mula kay VP Leni
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments