Nagbahagi ng kaniyang saloobin si Bianca Gonzales matapos na maging main host siya ng PBB dahil sa pag resign ni Toni Gonzaga
Naging bukas si Bianca Gonzalzs sa kanyang saloobin sa pagkakapasa sa kanya ng tungkulin bilang main host ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother.
“Windang ‘yung word,” Ito ang mga sinabi ni Bianca Gonzalez nang ilarawan niya ang kanyang reaksyon nang maging pangunahing host siya ng Pinoy Big Brother.
Sa isang panayam sa Magandang Buhay, inamin ni Bianca na pinoproseso pa niya ang nangyari, “kasi nangyari siya in a way na hindi ini-expect ng lahat.
“Grateful, of course, na parte pa rin ako ng pamilyang ito, kasama ko siyempre sina momshie Mels (Melai Cantiveros), si Kim (Chiu), si Robi (Domingo), si Enchong (Dee). Pero kasi may pagkakumplikado ang nangyari, mga taong involved. To be perfectly honest, hanggang ngayon ay pinoproseso ko pa. Hindi pa siya totally nagsi-sink in pero every day we show up for work, we do our best at work,” wika niya.

Ayon pa kay Bianca ay hindi niya akalain na darating ang panahon na siya ang magiging pangunahing host ng reality program.
“Never. Parang happy ako sa kung ano ang posisyon ko to support. Parang in my head feeling ko magkasama kami sa ‘PBB’ until hindi na kami kailangan ng ‘PBB’ or matapos na ang ‘PBB.’
“In my head ganun siya and happy ako doon sa posisyon “Today, I’m stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the ‘PBB’ legacy.
“It has been my privilege to greet you all with ‘Hello Philippines’ and ‘Hello World’ for the last 16 years. I will forever cherish the memories, big nights, and moments in my heart.

“Thank you Kuya for everything. This is your angel, now signing off.” ‘yon. Pero ayon nga, the world turned upside down,” aniya.
Matatandaang nitong Pebrero, nagbitiw sa pwesto si Toni Gonzaga bilang host ng PBB matapos masangkot sa kontrobersiya matapos siyang mag-host ng proclamation rally ng isang presidential candidate.
Ginawa ni Toni ang anunsyo sa isang Instagram post.
“It has been my greatest honor to host PBB for 16 years. From witnessing all my co-hosts transition from housemates to ‘PBB’ hosts are just some of the best moments in my life sa Bahay ni Kuya.”
“Today, I’m stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the ‘PBB’ legacy. It has been my privilege to greet you all with ‘Hello Philippines’ and ‘Hello World’ for the last 16 years. I will forever cherish the memories, big nights, and moments in my heart. Thank you Kuya for everything. This is your angel, now signing off,” mensahe ni Toni.

Bianca, Naglabas ng saloobin matapos maging main host ng PBB: “Windang ‘yung word”
Source: Babaero Balita


0 Comments