Hindi pinalagpas ni Melai ang isang basher na nanumpa ng hindi kaaya aya sa pamilya niya
Labis labis na nga ang kalayaang tinatamasa ng pinoy kung saan ang iba ay tila sumusubra na sa kanilang mga sinasabi at pambabanta laban sa ilang kilalang personalidad.
Matatandaan kasing kamakailan lamang ay nag viral ang mga pahayag ni Melai Cantiveros patungkol sa huwag iboto ang mga magnanakaw.
Idiniin pa nga ni Melai na kung hindi raw nagbabalik ng pera ng bayan ay tiyak na magnanakaw muli ang mga ito, lahat ng ito ay sinabi niya ng wala namang binabanggit na pangalan at tama namang huwag sa magnanakaw.
Dahil nga sa mga sinabing ito ni Melai ay tila may ilang tagasuporta lalo na ni Bongbong Marcos ang siyang tinamaan sa nga ito at naglabas ng kani kanilang galit laban kay Melai, lalo na ang isang bbm supporter na pinagmumura at sumumpa pa na may maaaring masamang mangyari sa pamilya niya.

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Melai ang larawan at mga screenshot ng isang bbm supporter na siyang tinawag siyang magnanakaw at nanumpang may masamang mangyayari sa pamilya nila.
“Nananawagan po ako kung nasaan ang taong itu nang masampahan ng nararapat legal na aksyun , Paki PM po ako Maraming Salamat
“Matigil na ang mga pamg haharass na tu At para sayu na nasa picture na yan PAPAHANAP KITA KAHIT SAAN KA MAN TANDAAN MO YAN, Nananawagan dn ako sa mga #LawyersForLeni @lawyersforleni,” sabi ni Melai.
Narito naman ang ilang kumento ng naturang basher, “Sarap kumain ng galing sa nakaw. Sumpain mga anak mo g*ga. Boycott products [na] endorse ni Melai. Isa itong magnanakaw.

“Pinalaki sa nakaw ng mga magulang. Isa itong p*ta ng lipunan. Ano, pangit??? Nagmamalinis kang hayop ka. Nanay mo magnanakaw g*ga. Pinalaki ka sa pagnanakaw ng ina mo.
““Ano???? Magnanakaw si Marcos pa more. Makita pang namin kayo sa labas kahit kasama mo mga anak mo, p*t*ng ina kang pangit ka. Mamatay na sana mga anak mo. Isusumpa ko yan.”
“Mamamatay batang ito pinalaki sa pagnanakaw. Hahaha. Sumpain pamilya mo pangit. Magnanakaw si Marcos???? Nanay mo ang magnanakaw g*ga,” dagdag kumento pa nito patungkol sa anak ni Melai.
Matatandaang hindi rin ito ang unang beses na nakatanggap ng ganitong kumento si Melai, na kalauna’y pinatawad naman niya matapos na humingi ng patawad.
BBM Supporter pinagmumura at sinumpang mamamatay ang mga anak ni Melai
Source: Babaero Balita


0 Comments