Sa gitna ng kanilang kwentuhan ay prangkang inamin ni Don sa mga kasamahan ang kaniyang sekswalidad
Sa latest episode ng PBB Teens ay nagkaroon ng pag-uusap ang ilang mga housemates patungkol sa beauty standard maging ang kagustuhan ng marami sa pagiging maputi.
Sa pag-uusap nga nilang ito ay napunta ang kanilang topic patungkol sa isyu ng pagtanggap sa mga miyrmbto ng LGBTQ community.
“Some older people in Pinas, still do not support LGBTQ.. that’s society not colonization,” ang mariing sinabi ni Stephanie.
Naglabas naman ng kaniyang saloobin si Don patungkol dito, “Hindi lang kasi ano e, di’ ba kase palagi nilang sinasabi na ‘ay accept na yung LGBT’, “ay accept na yung ganito’… na dapat ganito o ganiyan ka.. pero hindi kasi naman yun ang problem, ang problem dun stereotypes,” na siyang sinang-ayunan ni Stephanie.

Dahil na rin sa nauwi ang usapan nila patungkol sa sekswalidad ay napatanong na si Don sa kaniyang mga co-housemates kung ano ang tingin nila sa kaniya noong una.
“Ikaw Rob.. when you first saw me, do you think I’m straight?,” ang prangkang tanong ni Don, “Of course not,” mabilis na sagot naman ni Rob.
“Sa akin naman.. No disrespect naman.. hindi.. no.. it’s not right for me to stereotype pero obviously na tatak na siya sa ulo ko na eto talaga.. that’s why hindi kita tinanong.
“That’s your choice to say it.. hindi naman kita tini treat differently, I did not assume that you’re gay.. basta para sa akin we’re still friends,” sabi ni Stephanie.

“I’ll be very honest, like subconsciously are you gay?,” ang diretsahang tanong naman ni Rob kay Don, na mabilis na sinagot ni Don ng, “I’m not gay”.
Ibinahagi naman ni Rob kay Kuya na dahil sa palagiang pagsusuot ni DOn ng make-up ay inassume na umano niyang gay si Don na para sa kaniya ay mali umano ng mang husga agad ng ibang tao.
Dahil na rin sa naging pag-uusap nila ay humingi ng tawag si Stephanie kay Don kung na feel umano nito na nahusgahan siya nito.
“Sorry ha if ever you felt na I assume, ang bait mo lang talaga,” ani Stephanie na sinagot naman ni Don ng, “Mabait lang talaga ako”.
Don umamin sa totoong sekswalidad niya; “Do you think I’m straight?”
Source: Babaero Balita


0 Comments