Hindi nga ba ikinatuwa ni Ana Jalandoni ang iopinadalang bulaklak ng Cornerstone?
– Naikwento ni Rommel Chika sa kanilang show ang naging reaksiyon ni Ana Jalandoni nanh bigyan ito ng bulaklak ng Cornerstone – Ang sabi raw ang pinagtawanan lang ng aktres ang bulaklak na ito na bigay sa kanya sa ospital
– Ito ay kasunod ng balitang binugbog siya ng dating nobyong si Kit Thompson. Habang mainit pa rin ang kontrobersyal na isyu sa pagitan ng pambu-bugbog umano ng aktor na si Kit Thompson sa dating nobya nitong si Ana Jalandoni, may ichinika si Rommel Chika sa naging reaksiyon ng aktres sa ipinadalang bulaklak ng Cornerstone.

Ang Cornerstone Entertainment ay ang talent management agency ni Kit kung saan isa sila sa nagbigay ng bulaklak kay Ana Jalandoni habang ito ay nasa ospital pagkatapos ng insidente.
Ayon kay Rommel Chika, sa online show nila ni Cristy Fermin na “Showbiz Now Na” ay pinagtawanan lamang ni Ana ang nasabing padalang bulaklak.

Desidido rin daw kasi si Ana na sampahan ng kaso ang ex-boyfriend na si Kit pagkatapos siyang saktan nito sa isang hotel sa Tagaytay.
Nag-viral nga rin ang balitang ito sa iba’t-ibang social media sites. Samantala, ayon naman kay Ogie Diaz, mahal na mahal daw talaga ni Kit ang dati niyang kasintahang si Ana.

Sa katunayan, lagi nga raw niyang ipinagmamalaki ang aktres sa mga katrabaho nito sa showbiz at balak na pala nitong makasal silang dalawa.
Ipinakilala pa nga raw ni Kit si Ana sa kanyang ina sa kagustuhang pakasalan na ang dating nobya. Ipinaliwanag naman ni Ogie na walang may alam kung nagbigay na ng ‘hint’ si Ana sa plano ni Kit.

Ana Jalandoni, hindi raw gusto ang pabulaklak ng Cornerstone? Rommel, may ibinuking!
Source: Babaero Balita


0 Comments