Masayang 18th Birthday party ang ibinahagi ni Awra Briguela
Sa kakatapos lamang na birthday celebration ng kapamilya artist na si Awra Briguela ay isa-isa niyang ibinahagi ang mga videos at larawan ng kaganapan sa kaniyang kaarawan sa kaniyang Instagram account, partikular na sa kaniyang IG stories.
Nitong March 26 nga ay ginanap ang kaniyang kaarawan, ang kaniyang maituturing na debut o ang ika-18th birthday niya kung saan ipinakita niya ang kaniyang angking kagandahan na dinaluhan ng kaniyang mga matatalik na kaibigan at ng malalalapit na kapamilya.

Ipinasilip rin nito ang bonggang pool party at ang magarang blue gown na kaniyang sinuot sa naturang party.
Masisilayan rin ang ilang masasayang pangyayari sa party kabilang ang mga malalapot na kaibigan sa showbiz industry.

Sa ibinahaging video pa nga ng eventsbymissp ay ang pag rampa ni Awra at makikita rin ang 3 layered cake nito.
Tunay ngang naging masaya ang kaarawan ng dati’y nag-viral lamang sa isang facebook video kung saan inilalabas niya ang pag awra niya sa kamera dahilan upang pangalanan siyang si Awra na ngayon ay kilala na ng marami.

Si Awra Briguela o si McNeal Briguela sa totoong buhay ay ang isa sa mga kilalang kumedyante ng bansa na mas minahal ng marami matapos na mapabilang siya sa hit series na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.
Lalo pang namayagpag ang kaniyang showbiz career matapos na magwagi sa hit singing reality show na ‘Your Face Sounds Familiar: Kids’ noong 2017, at kinilala rin ngang bilang isa sa mga anak anakan ni unkabogable Vice Ganda.

Awra Briguela, ibinahagi ang ilang kaganapan sa kaniyang bonggang 18th birthday
Source: Babaero Balita


0 Comments