Bigtime! James Reid kabilang sa Oscars viewing party ni Elton John
Namataan ang Filipino music star at aktor na si James Reid na dumalo sa isang Oscars party na pinangunahan ng nonprofit na organisasyon ng pop legend na si Elton John sa Los Angeles noong Lunes.
Lumakad sa red carpet si James Reid sa taunang Academy Awards viewing party ng Elton John AIDS Foundation (EJAF), na ginanap ngayong taon sa West Hollywood. Isang larawan ni Reid sa kanyang dapper attire ang ibinahagi ng ABS-CBN News correspondent na si Yong Chavez, na nag-cover sa event.

“He said he’s a bit starstruck at the moment — but I’d say he’s holding his own beside Hollywood stars. His publicist at first said no to interviews but glad he stopped when I yelled my affiliation haha. Great to meet and chat with him!” ani ni Yong Chavez sa kanyang tweet kalakip ang larawan ng aktor.
Habang ang pop-legend na si Elton John ay wala sa mismong viewing party, kumatawan sakanya ang kanyang pamilya kasama ang kanyang malapit na kaibigan, ang pop superstar na si Lady Gaga, sa maningning na pagtitipon ng mga bituin sa Hollywood.

Kabilang sa iba pang celebrities na spotted rin sa party ay sina Demi Lovato, Saweetie, Lea Michele, Lucy Hale, at Kevin McHale.
Ang international career ni James ay kasalukuyang pinamamahalaan ng Transparent Arts na nakabase sa US. Siya ay nasa Los Angeles mula pa noong kalagitnaan ng Pebrero para sa mga engagements na may kinalaman sa kanyang trabaho.

Sa unang bahagi ng buwang ito, nagbahagi si James ng mga pasulyap sa kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan mula noong lumipad doon.
Kabilang ang isang video ng isang music session, footage sa likod ng mga eksena ng isang photo shoot, at isang group photo kasama ang mga Amerikanong musikero na sina Anderson .Paak at Dumbfoundead, record producer na si Kev Nish, at aktor na si Ivan Dorschner.
James Reid, spotted sa Oscars viewing party ni Elton John
Source: Babaero Balita


0 Comments