Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Lock-in taping ng “Lyric & Beat” sa Baguio, natapos na

Malapit ng mapanood ang teen drama series na ‘Lyric & Beat’


Nagpack-up na ang cast at crew ng inaabang musical series na “Lyric and Beat” matapos ang ginawang lock-in taping nito sa Baguio.

Sa Instagram update ni Darren Espanto noong Lunes, nagpasalamat ang Kapamilya singer sa Baguio sa magandang karanasan nilang lahat habang nagtatrabaho sa show. “That’s a wrap for our lock-in taping for ‘Lyric & Beat’! Thank you, Baguio,” aniya.

“Made so many unforgettable memories here and I am so grateful to have worked with such incredibly talented and hardworking people. ‘Til next time,” dagdag pa ni Darren.


Ang “Lyric and Beat” ay nakatakdang ipalabas sa streaming platform na iQiyi ngayong taon.

Maliban kay Darren, kabilang rin sa cast ng musical series sina Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, AC Bonifacio, Nyoy Volante, Agot Isidro, Joanna Ampil, Sheena Belarmino, Jeremy Glinoga, and Angela Ken.

Ang kuwento ng serye ay iikot sa fictional na Philippine National Conservatory of Music kung saan ang mga mag-aaral ay magpapaligsahan para sa karapatang kumatawan sa paaralan sa prestihiyosong National Music Competition.

Ang palabas ay magbibigay pugay din sa musika ng creative composer na si Jonathan Manalo ng ABS-CBN Music.

Ang iQiyi, isang nangungunang provider ng pan-Asian content sa buong mundo, ay pumirma ng isang multi-title content deal sa ABS-CBN, isang nangungunang Philippine media at entertainment company, upang makagawa ng apat na Filipino original romantic series para sa mga international subscriber nito sa buong mundo.



Lock-in taping ng “Lyric & Beat” sa Baguio, natapos na
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments