Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Kim Chiu, pinaluha ang mga street vendors dahil sa ugali nito: “Nakakaiyak talaga…”

Pina-iyak ni Kim Chiu ang mga street vendors dahil sa kabutihang ginawa niya


– Ikinuwento ni Kim Chiu ang ginawa nila sa mga street vendors ng UP upang makapagbigay ng tulong pinansyal rito – Halos naging emosyonal ang Chinita princess dahil sa blessing na tinulong nila sa ilang mga vendors sa pamimigay ng 30k na naipon nila

– Ang perang naipon nila sa pot money ng segment nila sa ‘Showtime’ ay siyang ibinahagi ni Kim sa mga nangangailangan, Malaking tulong ang ginawa ng Kapamilya host ng “It’s Showtime” na si Kim Chiu sa pagbabahagi ng kabutihang loob nito sa mga street vendors ng UP.

Ang 30k pesos na perang naipon nila sa ‘pot money’ ng It’s Showtime ay mula sa kanilang segment na “Palarong Pang-Madla” kung saan linggo-linggong nag-iikot ang mga host na nabunot upang ipamahagi sa mga Kapamilya ang perang naipon sa laro.


“Tumatakbo ako madalas doon. Tapos nitong linggong ‘to, naisip ko na sana ako ‘yung nakakuha noong ako ‘yung magbibigay.

“Kasi babalikan ko ‘yung magtataho kaso hindi ko siya nakita. Nakausap ko kasi ‘yun noong isang araw, sabi niya madalang na raw ‘yung bumibili. ‘Dati dito kami kumukuha ng pang-aral, pangtustos.’ Kaya napili ko doon,” pagsasalaysay ni Kim.

Ang 30k mahigit nga na nabanggit ay ang ipinang-tulong ni Kim sa mga UP street vendors. Sabi pa ng isang tindera, umaabot lang sa 300 pesos ang naiuuwi niya sa kanyang pamilya sa pagtitinda ng turon at banana cue.

Kaya naman sobrang pasasalamat nito nang abutan siya ni Kim ng 10k. Hindi rin makapaniwala ang isang nagtitinda ng ice cream sa laking tulong ni Kim sa kanya dahil binigyan siya nito ng 20k.

“Seryoso ma’am? Itong P20,000 ay malaking tulong sa pamilya ko sa araw-araw naming gastusin. Maraming salamat,” ‘di-makapaniwalang sagot ng vendor.

“Ngayon lang daw siya nakahawak ng ganoong kadaming pera. Sa isang araw, P300 lang nauuwi niya. Nakakaiyak talaga. P300 tapos wala pang bumibili madalas sa UP ngayon.” kwento pa ng host sa ice cream vendor.



Kim Chiu, pinaluha ang mga street vendors dahil sa ugali nito: “Nakakaiyak talaga…”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments