Inamin ni Charlie Dizon na sa kabila ng pagkilalang natatanggap niya pagdating sa pag arte ay napi pressure pa rin siya sa mga roles na ginagampanan niya
Sa kabila ng mga papuring tinatamasa at kritikal na pagkilalang natanggap sa kanyang pagganap sa mga nakaraang proyekto, inamin ng kapamilya aktres na si Charlie Dizon noong Lunes na ramdam pa rin niya ang pressure kapag nahaharap siya sa isang bagong role.
“Hindi ko maitatangging nakaka-pressure siya talaga pero alam mo kahit nung wala pang awards, talagang nandoon pa rin ‘yung pressure na lagi kong galingan, lalo kong pagbutihin ‘yung ginagawa ko,” wika ni Charlie sa naganap na press conference sa bagong episode ng long-running drama anthology na “Maalaala Mo Kaya.”

“Kasi at the end of the day, ayokong may pagsisihan ako sa mga projects na ginawa ko. Parang gusto ko ‘pag nag-look back ako, magiging proud ako sa ginawa ko at talagang nabigay ko ‘yung best ko,” aniya.
“Lagi kong tinitignan pa rin siyempre kung ano pa ‘yung ways na dapat kong ma-improve para mas mapabuti pa ‘yung mga susunod ko pang gagawin,” dagdag niya.
Umaasa si Charlie na ma-inspire ang mga tao sa kuwento ng frontliner overseas Filipino worker na gagampanan niya sa “MMK” episode.
“Gusto ko talagang maipakita rin, ‘yung character ng totoong tao at as much as possible na close sa nangyari sa kanila ‘yung emosyon niya. Siyempre hindi naman natin nakita kung ano ‘yung totoong nangyari kumbaga roon sa mismong sitwasyon pero base sa mga sinulat nila sa kwento, siyempre gusto mong ma-portray nang maayos talaga,” paliwanag niya.

“Ang saya kapag nagawa mo, ‘pag na-accomplish mo nga ‘yung trabaho na ‘yun kasi maraming mai-inspire rin na manonood and I’m sure maraming makaka-relate, hindi lang bilang magkarelasyon kung ‘di pamilya.
“And ‘yung sitwasyon na nangyari sa kanila, maraming nakaranas nun kasi COVID season ‘yun eh …Talagang I’m sure na maraming makaka-relate, ang daming mai-inspire at gaganahang bumangon uli,” pagpapatuloy niya.
Dagdag pa ni Charlie na ang kanyang mga pagganap sa proyekto tulad ng “Viral Scandal” at ang bagong episode na ito ng “MMK” ay nagmulat sa kanyang mga pagkakamali upang maitama ang mga ito sa hinaharap.
“Depende rin po kasi sa materyal na binibigay talaga. Minsan doon ko rin po nari-realize na may ganito akong kakayahan, may ganito rin akong side pala and depende rin po sa nakakatrabaho ko parang kasi kada project po ibang set ng artists, ibang set din ng directors and ng production,” saad niya.

Charlie Dizon, napipiressure parin sa mga bagong role sa kabila ng pagiging acclaimed actress
Source: Babaero Balita


0 Comments