Nai kwento ni Senatorial Candidate Raffy Tulfo ang patungkol sa mga death threat na natatanggap niya mula pa noon
Nakapanayam ni Boy Abunda si Raffy Tulfo para sa “The Interviewer Presents Senatorial Candidate Raffy Tulfo,” na bahagi ng series of interview ni Boy para sa lahat ng kumakandidatong senator.
Dito ay napag-usapan nila ang iba’t-ibang usapin patungkol sa pagtakbong ito ni Raffy Tulfo bilang senador mula sa pagiging isang public servant.
Natanong ni Boy Abunda ang patungkol sa pagiging anak, ama at asawa niya sa kaniyang pamilya at nai-kwento ni Raffy ang halos talambuhay na niya.
Sa gitna ng kanilang pagku-kwentuhan ay naibihagi ni Raffy ang isa sa pinaka malaking takot na naramdaman niya, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na tumutulong siya sa iba’t-ibang problema ng ibang tao at tunay na masasandalan siya.

Sa kabila nga ng pagiging tila walang inuurungang kagaya ni Raffy ay marami umano siyang natatanggap na death threat dahil na rin sa larangan ng pagta trabaho niya, na siyang na-i kwento niya kay Boy.
“Nung mga panahong ‘yon nagtext sa’kin in fact nagbigay pa nga siya ng araw para countdown. 3 days to go, 2 days to go, 1 week to go. Kinakabahan ako noon, sino ba namang hindi kakabahan,” pagbabalik-tanaw ni Tulfo.
“‘Pag dating nung one day to go, may umaali-aligid doon sa istasyon. Tatlo, apat nagtatanong-tanong. Talagang tinatakot ako.
“Tinanong ‘yung guard, anong oras ‘yung labas ni Raffy Tulfo. Alam kong sila ‘yun, masama ang tingin panay ang tanong,” dagdag pa niya.

“At that time, nagbibitbit ako ng licensed firearm. And meron din akong kasama, driver. So ‘yung driver ko ang nagsasabi sa akin.
“‘Wag muna tayong umuwi, pa-cool muna tayo. And then tawag ako sa mga kaibigan ko para sa akin, talagang tinakot ako,” pag-amin ni Tulfo.
At inamin niyang kagaya ng karamihan ay natatakot naman siya sa posibilidad na mamatay siya ngunit ipinaliwanag niyang sa ibang bagay siya natatakot sa kamatayan.
“I’m not afraid of death, halimbawa kung may kaaway ka sa kalye at nakipag barilan ako to defend myself, to defend my family I don’t fear death.. pero yung death na pag ako’y nagka cancer, nag suffer ako yun ang kinakatakutan ko,” paliwanag ni Raffy.
Raffy Tulfo, inaming nakatanggap noon ng death threat at natakot para sa kaniyang buhay
Source: Babaero Balita


0 Comments