Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Charlie Dizon, may komento sa kanyang leading man na si Kiko Estrada

Ano nga ba ang masasabi ni Charlie sa kaniyang katambal ngayon for MMK na si Kiko Estrada


Sa unang pagkakataon, makakatrabaho ng award-winning actress na si Charlie Dizon ang aktor na si Kiko Estrada para sa isang episode ng drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” ngayong Abril.

Sa naganap na virtual media conference para sa MMK episode, inamin ni Charlie na nahiya siyang nung una nang malaman na makakatrabaho niya si Kiko, na gumaganap bilang kanyang kasintahan sa proyekto. “Nung nalaman ko na makaka-partner ko si Kiko, hindi kasi kami magkakilala in person talaga. Medyo nahiya rin po ako talaga. Siyempre bagong partner ulit, tapos totoong tao ‘yung gagampanan namin na mag-jowa,” wika ng aktres.

Ayon kay Charlie, nagkaroon sila ng kaunting awkwardness ng aktor sa simula ngunit kalaunan ay ipinagkibit-balikat nila ito pagkatapos ng kanilang photo shoot.


“Medyo nakaka-awkward po sa umpisa pero bago po kasi kami mag-shoot, nag-pictorial muna kami for picture props tapos nag-jibe naman po kaagad. Nagkabiruan kami kaagad so na-feel ko kaagad na madali siya katrabaho,” ibinahagi niya.

Ibinunyag din ng aktres na si Kiko ay passionate sa kanyang craft, dumarating sa set na preparado at bukas para talakayin ang kanilang papel upang makalikha ng magandang dynamics bilang on-screen partners.

Ayon pa sa aktres ay nagbahagi rin ang aktor ng mga payo sa kanya na natutunan nito mula sa kanyang mga magulang.

“Si Kiko galing din po siya sa family ng mga artista and nai-share nga po niya ‘yung passion nila, kung paano siya pinagsasabihan ng parents niya pagdating sa show business,” aniya.

“And malaking tulong din po ‘yun sa ‘kin na naiintindihan ko ‘yung pinanggalingan nila. ‘Yung mga advice ng parents niya naintindihan ko rin po,” dagdag pa niya.

Samantala, natuwa naman ang direktor ng “Viral Scandal” na si Froy Allan Leonardo na makatrabaho si Charlie para sa kanyang unang “MMK” episode.

“I’m very fortunate to direct Charlie kasi sobrang napakasipag niya. We just finished ‘Viral Scandal’ so ito, panibagong hamon sa aming dalawa na nagkatrabaho ulit. Kasi ang hirap na parang kalasin si Rica Sicat ta’s gaganap siya sa totoong tao. ‘Yun ‘yung naging challenge sa ’kin lalo na’t it’s my first ‘MMK,’” wika nito.

Mapapanood ang “MMK” episode ni Charlie Dizon kasama si Kiko Estrada sa Abril 23.



Charlie Dizon, may komento sa kanyang leading man na si Kiko Estrada
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments