Naglabas na ng kaniyang mensahe si VP Leni Robredo kaugnay ng lumabas na partial and unofficial votes
Sa kaniyang facebook page ay naglabas na ng kaniyang mensahe si Vice President Leni Robredo para sa mga taga suporta matapos ang unofiicial and partial tally of votes nitong Halalan.
Sa inilabas niyang video ay ibinahagi ni VP Leni Robredo ang taos pusong pasasalamat sa mga sumuporta at bumoto para sa kaniya.
Ani nito na ngayong nagsalita na ang taongbayan ay kinakailangang galangin ng lahat ang naging desisyon ng nakararami.
Sa kabila naman nito ay nagpapasalamat pa rin siya sa malaking ambag ng marami dahil sa pagkakamulat ng ilan sa katotohanan at pagtindig para dito.
“Walang nasayang. Hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga, hindi pa tayo tapos. Nagsisimula pa lang tayo. May landas na nagbukas, at hindi ito isasara kasabay ng mga presinto.
“May kilusang isinilang, at hindi ito papanaw sa pagtatapos ng bilangan. Ang namulat hindi na muling mapipikit. Hindi natin kailanman hahayang makatulog muli ang pag-asang nagising,” ani nito.
Panoorin ang kabuuan ng video rito:
Samantala as of this writing nangunguna pa rin sa partial and unofficial votes si dating Senator Bongbong Marcos sa pagka presidente as of 8:47am ay may 30.5M votes ito laban sa 14.5M votes ni VP Leni Robredo mula sa 96.29% ng Election Returns.
Habang ang kapartner niyang si Sara Duterte ay mayroong 30.9M votes kumpara sa pumapangalawang si Kiko Pangilinan na mayroon lamang 9M votes.
VP Leni Robredo: “Walang nasayang. Hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga hindi pa tayo tapos”
Source: Babaero Balita


0 Comments