May mainit na tsaang ibinunyag si Xian Gaza patungkol sa naganap na eleksyon
Sa pagtatapos nga ng halalan ay kasalukuyang nagkakaroon na ngayon ng partial and unofficial tally of votes kung saan mahigit sa 96% na ang siyang nai ta tally.
Patuloy nga ang pangunguna ni dating senator Bongbong Marcos sa pagka pangulo na mahigit sa doble ng botong natanggap ni Vice President Leni Robredo.
Samantalang halos triple ng boto ni Kiko Pangilinan ang nakuhang boto ni Sara Duterte pagdating sa Vice Presidential race.
Sa pagtatapos ngang ito ay isang malaking scoop ang ibinahagi ng pambansang marites ng bansa na si Christian Albert Gaza kung saan ibinunyag niyang magka partido umano talaga sina Bongbong Marcos at si Manila Mayor Isko Moreno, na ang tanging gawain lamang ay makuha ang ilang boto mula sa oposisyon.

Ani Gaza na minabuti niyang ilabas ang tsaa niya ngayong tapos na ang botohan upang hindi masabi ng iba na paninira lamang ang nais niyang ibahagi.
“Matagal ko na ‘to gustong ilabas sa publiko pero nagpipigil lang ako dahil magmumukha lang paninira kapag inisplook ko bago ang eleksyon. Magmumukha lang akong attack dog ni VP Leni kaya sabi ko wait ko na lang matapos ang May 9.
“The reason kung bakit palaging si Leni Robredo ang inaatake ni Isko Moreno kasi yung main backer ni Bongbong Marcos ay siyang financer ni Yorme. Sino? Hindi ko maaaring banggitin. I. Am. Sorry.,” salaysay nito.
“Ang only purpose ng kandidatura ni Yorme ay makurutan at mabawasan ang boto ng oposisyon upang masigurado ang pagkapanalo ni BBM.Bottomline? Iisang partido lang talaga yung dalawa. Kumbaga sa triathlon race, tag team sila sa magkabilang gilid nung pink na bisikleta,” dugtong niya.

Sa sumunod na pasabog niya ay ibinahagi nitong hindi Aquino ang nasa likod ni VP Leni Robredo at tapos na di-umano ang political life para sa mga Aquino.
“Itong susunod na sasabihin ko ay hindi ko inilabas bago ang eleksyon dahil magmumukha lang akong tanga. Iisipin niyo lang na gumagawa ako ng kwento para iboto niyo si VP Leni. Tapos na ang eleksyon kaya pwede ko nang i-splook ngayon.
“Hindi Aquino Family ang main backer at main financer ni Leni Robredo. Tapos na ang panahon ng mga Aquino. Patay na ang kanilang political dynasty. Wala na rin yung nagpopondo sa kanila ever since. That’s the main reason kung bakit hindi na tumakbo si Bam Aquino at nag-campaign manager na lang dahil tanggap na niya ang realidad nila.
“Pinish na ang kanilang pamilya. Ang tanong niyo ngayon, sino ang nagpondo sa kandidatura ni VP Leni kung wala namang pera ito? Tatlong bilyonaryo na inagrabyado ni Ferdinand Marcos Sr. noong panahon ng martial law.,” buong salaysay ni Xian Gaza.
Xian Gaza naglabas ng mainit na tsaa!, Isko Moreno kapartido raw talaga ng Uniteam?
Source: Babaero Balita


0 Comments