Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Charlie Dizon, proud na tinanggap at naging bahagi ng serye na ‘Viral Scandal’

Ngayong mas kilala na matapos manalo bilang Best Actress sa 2020 Metro Manila Film Festival para sa papel sa entry na Fan Girl, sinabi ni Charlie Diz


Ngayong mas kilala na matapos manalo bilang Best Actress sa 2020 Metro Manila Film Festival para sa papel sa entry na Fan Girl, sinabi ni Charlie Dizon na itinuturing niyang isa pang milestone sa kanyang career ang kanyang seryeng Viral Scandal dahil sa mga learning experiences sa loob at labas ng set.

“Sobrang meaningful and sobrang memorable kasi tulad nung sinabi ko dun sa Fan Girl, ang dami kong ginawa dun na first time kong ginawa and also dito sa Viral Scandal ang dami kong natutunan din pati sa sarili ko.

“Ang dami kong na-experience na nakaka-challenge and masaya ako na sila yung mga nakasama ko during those times kasi sobrang giving lahat and sobrang passionate ng lahat,” ibinahagi ng aktres sa naganap na Viral Scandal finale mediacon.


Sa patuloy na pagkilala sa kanyang talento sa pag-arte, sinabi ni Charlie na maaari niyang balikan ang serye at ipagmalaki ang trabahong ibinuhos niya bilang pangunahing karakter na si Rica Sicat. “Ang laki din ng trinansform sa akin ng Viral Scandal. Feeling ko may nagbago sa akin talaga.

“I became stronger, mas naging open yung mind ko sa mga nangyayari sa paligid, sa social issues. Masasabi ko na proud na proud ako na nagawa ko itong Viral Scandal and naging part ako ng show na ‘to at nakasama ko lahat ng kasama ko dito,” pag-amin niya.

Masaya rin daw si Charlie sa mainit na pagtanggap ng netizens sa love triangle nila ni Joshua Garcia at Jameson Blake onscreen.

“Sobrang thankful ako na silang dalawa yung nakasama ko sa show. Si Jameson kasi nakasama ko na rin siya sa ibang shows. For Joshua ngayon ko lang siya naka-partner.

“Thankful ako na tinanggap talaga ng mga tao yung team up namin. Ang aming team Kyle at team Axle. Nakikita ko yung mga reactions sa Twitter, sa Instagram, Facebook, sa lahat. Grateful ako na nakasama ko sila and mababait talaga sila sa akin,” ibinulgar niya.

Habang hinarap ng kanyang karakter na si Rica at ng kanyang pamilya ang bawat hamon nang buong tapang sa serye, umaasa si Charlie na ang mga biktima ng Viral Scandal sa totoong buhay ay maaari ding matuto mula sa mga isyung tinalakay sa palabas.

“Dahil sa pamilya Sicat, pinakita na grabe yung support system na pinakita nila kay Rica. Kumbaga, kahit anong mangyari, kahit nagkagulo din yung pamilya namin, kami pa rin yung magkakasama in the end. Sa bawat biktima, naaapektuhan din ang buong kapaligiran ng biktima at hindi ka rin nakakakuha ng support system.

“Yung kahit anong mangyayari sila at sila pa rin yung babalikan mo. For Rica, masuwerte siya na yung pamilya Sicat ay sinuportahan siya at binuhos yung pagmamahal sa kanya lalo na nung mga times na nahihirapan sila,” paliwanag niya.

Pagkatapos ng Viral Scandal, sinabi ni Charlie na nakikipag-usap na siya para sa isa pang proyekto. “Of course sobrang excited ko pa rin sa lahat ng gagawin ko. Hindi ko pa rin alam kung anong i-e-expect and talagang gusto ko lang naman mabigay yung best ko in every project.

“Gusto ko kumbaga laging tumatatak yung bawat project na gagawin ko. Yun yung gusto kong mangyari sana and kung papalarin sana ibigay,” dagdag pa niya.

Panoorin ang huling linggo ng Viral Scandal sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC, JeepneyTV, TV5 sa A2Z.



Charlie Dizon, proud na tinanggap at naging bahagi ng serye na ‘Viral Scandal’
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments