Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Rabiya Mateo para kay Celeste Cortesi: “You will never be 100% prepared”

Ibinahagi ni Celeste Cortesi ang naging pahayag sa kaniya noon ni Rabiya Mateo


Sa naganap na presscon kamakailan para sa bagong Miss Universe PH queen na si Celeste Cortesi ay ibinahagi nito ang ilang pangyayari bago siya lumahok sa patimpalak.

Inamin nitong ang kaibigang si Rabiya Mateo, na naging Miss Universe PH noong 2020, ang siyang isa sa mga dahilan kung bakit siya sumali sa patimpalak.

Ibinunyag ni Celeste na wala umano talaga sa plano niyang sumali sa patimpalak dahil na rin sa pakiramdam niya ay hindi pa siya ready para dito.


Ngunit dahil daw sa naging payo sa kaniya ni Rabiya kaya nagkalakas loob siyang lumaban at abutin ang pangarap, ito ang naging sagot niya ng tanungin siya kung ano ang pinakamahalagang advice na nakuha niya mula sa mga dating title holder.

At dito nga ay isiniwalat niyang nagmula kay Rabiya ang pinakamahalagang advice na nakuha niya, “I would say it was from Rabiya. Actually, me and Rabiya are very close.”

Inamin niyang wala pa sa isip niyang sumali sa patimpalak ngayong taon kundi next year pa dapat dahil sa pakiramdam niya ay hindi pa siya fully prepared para rito.

“I remember that before submitting my application for Miss Universe Philippines, I was talking to her [Rabiya], and I was opening up about me wanting to join actually next year, not this year,” lahad ni Celeste.

At inilahad niyang dahil sa mga sinabi sa kaniya ni Rabiya kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob na sumali ngayong taon.

“If there is something that Rabiya told me is, ‘You will never be 100 percent prepared. But it’s your choice. It’s either to do it next year or this year.’ And she was really telling me that,” pagpapatuloy ni Celeste.

“She was really telling me, ‘Go for it. Don’t think about it too much. You will never be prepared. You just have to send the application and then everything will follow,’” dagdag pa ni Celeste.

Kaya naman malaki umano ang pasasalamat niya sa kaibigang si Rabiya sa pagkapanalo niyang ito bilang bagong Miss Universe PH.

Masayang sabi nito, ‘“So, it was one of the best advices because I was really listening to her. And she’s also one of the reasons why I decided to go for it. Thank you, Rabiya.”



Rabiya Mateo para kay Celeste Cortesi: “You will never be 100% prepared”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments