Couple na Uniteam supporter na nangakong magpapaksal kapag naging pangulo si BBM, naghiwalay bago pa man ang Halalan
Sa pagtatapos ng Halalan ay nanaig nga ang pwersa ni Bongbong Marcos kung saan humamig siya ng mahigit sa 31Million na boto.
Mahigit dible ito kumpara sa nakuhang boto ni Vice President Leni Robredo na nakakuha lamang ng mahigit sa 14.7Million na boto.
Samantala sa gitna ng dalawang nag uumpugang political party ng Uniteam at Kakampinks ay naging usap-usapan din kamakailan ang patungkol sa magkabilaang taga suporta ng mga ito.
Ang magkasintahang nangako na ikakasal kapag nanalo ang kapwa mga manok nila, Kung ang sa Kakampink couple ay matutuloy ang kasal sa kabila ng pagkatalo ni VP Leni, ang couple naman ng Uniteam ay tila nagwakas na at nagkahiwalay na.
Ilang araw bago pa man maganap ang Halalan ay ibinahagi ni Frank Joven Gurdiel na hindi na matutuloy pa ang inaasam niyang kasalan sa girlfriend.
Bago pa man ito ay inulan din ng suporta ang dalawa na nakatanggap ng iba’t-ibang libreng serbisyo para sana sa gaganapin nilang kasalan mula sa kapwa Uniteam supporters.
Ngunit gaya nga ng ini anunsyo ni Frank mula sa kaniyang facebook page ay hindi na ito matutuloy, ngunit sa kabila nito ay mananatili pa rin silang matatag na Uniteam supporter.
“Sa mga nag susuporta sa amin at sa mga kapwa ko ka bbm sarah suporter sorry po humihingi ako nang pasencya dahil hindi napo kami matutuloy e kasal nag hiwalay na po kami nang jowa ko,” oanimula ni Frank.
Hindi na nito idinetalye pa ang naging hiwalayan nila ng kasintahan ngunit inamin niyang siya mismo ang nagkulang at nagkasala sa kanilang relasyon.
“Pero ganun parin po ang e boboto namin bbm sarah parin po hanggang sa huli…. Sa mga nag memention at sa mga umaasa sorry po naging. Pabaya po ako sa relasyon namin. ….
“Mejo nasasaktan pa po ako sa nang yari samin kaya po hinihingi ko po ang inyong pag intende na nasa masakit na at mapait na oras po kami ngaun …… D ko po muna e de detalye ang ang lahat bsta po ako po ang nag kulang ako po ang may kasalanan.
“Bbm sarah parin hanggang sa huli……..Sama nyo po kami sa dasal nyo para maliwanagan ang aming puso at isip.. Sana po ay gabayan po kami nang may kapal para patawarin po namin ang isat isa…. humingi po ako nang tawad sa aking mahal kasi po mahal na mahal ko po sya at nag sisi po ako sa mga pag kukulang ko sa kanya… Pero mananatili pong full support kami sa uniteam bbm sarah tandem,” buong kwento nito.
Mag dyowang magpapakasal pag si BBM ang naging Presidente, Naghiwalay na
Source: Babaero Balita


0 Comments