Nagluluksa ngayon ang Award winning Kapamilya singer na si Yeng Constantino dahil sa pagpanaw ng kaniyang Ina
Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ng kapamilya singer na si Yeng Constantino ang kaniyang pagluluksa sa lagpanaw ng kaniyang ina.
“Paalam Mama,” ang maikling caption ni Yen kaakibat ang iba’t-ibang litrato ng kaniyang ina kasama ang kanilang buong pamilya.
Wala namang ibang karagdagang impormasyon na ibinahagi ni Yeng sa pagkumpirma niya sa pagpanaw ng inang si Susan Constantino.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng ilang malalapit na kaibigan niya mula sa showbiz world sa naturang post niya sa Instagram account niya.
Mensahe ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda, “Yakap at dasal para sa inyo, Yeng.”

“Maraming salamat po Tita sa lahat,” sabi naman ng kaibigang si Angeline Quinto.
“Ate Yeng, condolences. May God comfort you and your family,” ani Sam Mangubat.

Mensahe ni Kyla Alvarez sa kaibigan, “Yenggay (broken heart emoji) sending you my deepest sympathies and condolences. Praying for comfort for you and family.”
Kumento naman ni Jaya, “Condolences my dear Yeng. God’s s peace be upon youmaxene Sending my most sincere condolences to you and your family.”

Iba’t-ibang mensahe pa ang pinahatid ng karamihan ng mga artistang nakasama ni Yeng na siyang tiyak na nakilala ang kaniyang mapagmahal na Ina.
Yeng Constantino nagluluksa sa pagpanaw ng ina: “Paalam Mama”
Source: Babaero Balita

0 Comments