Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Badjao Girl Rita Gaviola umani ng iba’t-ibang reaksyon sa nais na pagsali sa Miss U

Umani ng pamba bash si Badjao Girl Rita Gaviola matapos na ibahagi nito ang kagustuhang makasali o lumaban sa Miss Universe Pageant


Nitong nagdaang mga araw lamang ay naging laman ng social media ang tinaguriang si Badjao Girl na si Rita Gaviola dahil sa kaniyang Instagram post.

Sa kaniyang Instagram post kasi ay ibinahagi nito ang kaniyang litrato kung saan litaw na litaw ang kaniyang kagandahan kaakibat bang captiion na, “Soon sasali na tayo sa miss u”.

Umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa netizens ang kaniyang post, marami ang tila natuwa dahil bagay umano ang kagandahan niya sa Miss Universe ngunit may ilan din namang nagma asim sa sinabi niya.


“Magtrain ka lang galingan mo. Bagay na bagay kang beauty queen!,” sabi ng isa. “Go Rita. Start training na, para mahasa hasa na. We’ll wait for you!!,” pang-uudyok naman ng isa pa. “Ganda bagay maging miss u,” pakli naman ng isa pa.

Sa isang interview pa ay inamin ni Rita na matagal na niyang pangarap ang makasali sa isang patimpalak na kagaya ng sa Miss Universe pageant.

“Dati po pangarap ko magsuot ng gown, nakikita ko yung iba sobrang ganda. Naiinggit ako. Tapos sabi ko, one day makakapagsuot din ako nito. Hindi man sa ngayon pero soon alam kong maaabot ko ‘yung pangarap ko,” ani niya.

Samantala matapos niyang magbahagi ng unang litrato ay nagbahagi pa muli siya ng isa pang litrato sa kaniyang Instagram account kung saan nakasuot naman siya ng korona.

“Beauty is not flawless it shines even though your flaws, miss u universe soon,” caption pa niya sa naturang post.

Marami ang patuloy na natutuwa sa mga post na ito ni Rita dahil para sa kanila ay bagay na bagay ito sa naturang patimpalak dahil sa kaniyang taglay na ganda, ngunit kung marami ang natutuwa ay marami rin ang tila namba bash agad sa kaniya.

“Ngek wag mgmadali matatalo k lng hehe,” sabi ng isa. “Dapat brainy ka rin hindi lang ganda,” ani ng isa. “Tapos ano? Iiyak pag na bully?,” hirit naman ng isa pa.

“Di sapat na maganda ka lang, dapat may buga ka rin sa chukchakan, Magpa tutor ka muna ng english,” ani naman ng isa na pinuna ang pag i ingles ni Rita.

Unang nakilala si Rita matapos na mag viral ang kaniyang mga litrato dahilan upang kilalanin siya bilang si Badjao Girl, kalauna’y pumasok siya sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother bilang isa sa mga housemates kung saan nakasabayan niya sina Maymay Entrata at Edward Barbers.



Badjao Girl Rita Gaviola umani ng iba’t-ibang reaksyon sa nais na pagsali sa Miss U
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments