Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Self Proclaimed Tsismoso na si Xian Gaza may patutsada kay Manny Pacquiao

Nagbahagi ng isang open letter si Xian Gaza kay Manny Pacquiao patungkol sa paglapit sa kaniya ng isa sa mga kapanalig nito


Sa kaniyang facebook account ay naglabas ng isang exposé ang dating kilalang scammer na ngayon ay isa nang sikat na social media influencer na si Christian Albert Gaza.

Nagbahagi ito ng exposé patungkol sa isang Presidential candidate na di-umano’y lumapit sa kaniya upang i endorso ito sa kaniyang social media accounts.

Malakas kasi ang impluwensya ni Xian Gaza sa Social Media, subok na ito lalo pa sa kaniyang mahigit na 414,000+ na mga followers kabilang pa ang kaniyang ilang mga pages.


Sa kaniya ngang ipinost sa facebook account niya ay ibinahagi nitong nilapitan siya ng kampo ng isang presidential candidate at ino-offeran siya ng 100k upang mag post sa nasabing kandidato kada sa isang linggo, ngunit paglalahad nito na ang personal choice niya ay si VP Leni, kaakibat pa ang pagsasabing barya lamang sa kaniya ang naturang offer.

“May lumapit sa akin… partidos ng isang Presidential candidate. One post per week, 100K per post. My exact reply, “First of all, ang personal choice ko ay si Leni.

“Pangalawa, yung 100K ay kinikita ko ng half-day ngayon. Do I look poor? So barya. Nakakainsulto,” buong post ni Xian Gaza sa kaniyang account.

Hindi niya direktang pinangalanan ang tinutuloy niyang presidential candidate ngunit makaalipas lamang ang ilang oras ay nagbahagi ito ng isang open letter para kay Manny Pacquiao.

Sa nasabing open letter niya ay ibinahagi nito ang kaniyang pagka dismaya at tila pagkaka-insulto dahil sa hindi umano siya kagaya ng ibang YouTuber bagkus ay isa siyang negosyante.

“OPEN LETTER TO SEN. MANNY PACQUIAO’S CAMPAIGN MANAGERS: Yung isa niyo pong campaign recruiter for influencers ay nag-offer po ng 100K per post. Naniniwala po ako na hindi lang 100K ang budget na ibinigay niyo sa kanya at paniguradong sobrang laki ng cut niya.

“Ako po ay sobrang nainsulto at nabastusan dahil hindi naman po ako isang Youtuber o influencer na may milyones na followers. Ako po ay isang negosyante na daang milyones ang personal net worth,” ani Xian.

Ibinahagi rin nito ang progreso ng isang panibagong business na ginagawa niya na isang NFT game.

Sa hulihang bahagi ng open letter niya ay sinabi niya na ang dahilan kung bakit niya isiniwalat sa lahat ang pangyayari ay upang malaman umano nito kung tila nga ba kinukupitan siya ng kaniyang campaign recruiter, kaakibat na tulong na rin umano sa mga influencers upang malaman nila ang totoong bigayan pagdating sa eleksyon.

Isa pang dahilan niya umano ay upang iyabang sa kaniyang followers ang kayamanan niya, bagay na matagal nang alam ng kaniyang mga tagasunod.



Self Proclaimed Tsismoso na si Xian Gaza may patutsada kay Manny Pacquiao
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments