Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Regine Velasquez galit na tinalakan ang mga bashers!: “Wag kayo manood!”

Hindi na nakapagpigil pang ilabas ni Regine Velasquez ang kaniyang saloobin laban sa mga bashers ng kaniyang asawa


Hindi na nakapagpigil pa ang Asia’s Songbird at Kapamilya star na si Regine Velasquez Alcasid na ibahagi ang kaniyang nararamdaman sa kaniyang twitter account.

Sa kaniyang twitter account ay inilabas ni Song bird ang kaniyang pagka inis at pagka imbyerna sa mga bashers na nagrereklamo hingil sa ginagawa ng asawa niyang si Ogie Alcasid.

Ilan kasi sa mga netizens ang siyang naglabas ng kanilang hinaing na huwag ng isali ang asawa nitong si Ogie sa kaniyang “Turteneck sesh” na ginagawa sa YouTube channel.


“Disclaimer; yung mga makakapal ang mukhang magreklamo tapos mag tweet pa UTANG NA LOOB wag na kayong manood!! Para ang laki nag binabayad nyo sa asawa ko ha!!!! Libre lang kaya walabg basagan ng trip!!!!,” tweet ni Regine na tila galit na galit sa mga bashers.

Agad namang sinang ayunan ng masusugid na tagasunod ni Regine ang naturang sinabi niya dahil ani ng iba na sumusobra na ang mga bashers sa kanilang pagrereklamo.

Kumento ng karamihan sa kanila na kung hindi naman gusto ng mga ito na mapanood si Ogie ay mas mabuting mag leave na lamang sila sa live event na ito ni Regine.

“Hays bakit kau ganyan! Kun ayaw nyo wag manuod. Mg coco melon na lang kau. Cool lang ms.reg. Basagin natin trip nila! Pisti,” sabi ng isa kay Regine.

May isa pa na nagsabi na nakakahiya naman sa isang ‘Ogie Alcasid’ na marami nang naiambag pagdating sa industriya ng musika para lamang patigilin sa pagkanta.

“I actually subscribed! It’s fun! I’m getting the old “Bubble Gang” feel eh. For me ,it’s classic comedy. The Voltes V thing is something you should understand frm a ‘generations’ point of view. It’s nostalgic. May not be for everyone but it is not harming anyone!,” Kumento ng isa pang fan.

Samantala matapos ang paglalabas ni Regine ng saloobin niyang ito ay tila nahimasmasan na siya at muli na ngang nakapag live concert session sa kaniyang YouTube channel kahit na hindi na niya kasama ang asawang si Ogie.

Payo naman ng supporters ng mag-asawang Regine at Ogie, ‘wag na lang daw pansinin ang mga taong nagko-comment ng negatibo sa kanila.

“Deadma mo sila Ms. Reg!!! Wala kang makukuha sa kanila. Enjoy life and have fun. Just keep sharing the good vibes to everyone. You inspired us a lot,” tweet ng isang netizen.



Regine Velasquez galit na tinalakan ang mga bashers!: “Wag kayo manood!”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments