Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Vice Ganda na curious sa kung ano ang nararamdaman ng mga anak ng corrupt officials

Naging usap-usapan ng It’s Showtime host ang topic patungkol sa kung ano ang nararamdaman ng mga anak sa kanilang magulang bilang isang corrupt official


Sa isa sa mga latest episode ng hit segment ng It’s Showtime na ReiNanay ay naging usap-usapan ng mga host at contestants ang patungkol sa pamilya ng mga corrupt officials.

Naitanong kasi sa isa sa mga ReiNanay candidate ang tanong na, Kung para sa kaniya ay papayagan ba niya ang kaniyang anak na makipag relasyon sa anak ng isang corrupt official.

Agad naman itong sinagot ni ReiNanay Ellen, “Sa abot ng aking makakaya, kung talagang corrupt ang government official na ‘yun, babawaln ko siya.


“Ayokong ‘yung magiging anak niya, kakain ng galing sa corruption, hindi ko itinuro ‘yun. Kasi ‘pag ‘yun ‘yung napangasawa niya, kahit na anong sabihin mo, ‘yung magiging anak niya, magtatanong at ganon din ang gagawin. Kaya sa abot ng aking makakaya, ipaglalaban ko siya na ‘wag ‘yun,” buong sagot nito.

Kinahangaan nina Vice Ganda at ng mga kasama niya ang naging diretso at matapang na sagot ni ReiNanay Ellen sa naturang tanong.

Dahil pa rito ay napa-isip tuloy si Vice Ganda sa kung ano nga ba ang tunay na nararamdaman ng mga anak ng mga corrupt officials.

“Ano kayang nararamdaman ng mga anak ng corrupt officials?.. Paano kaya nila yun dini deny sa sarili nila (na ang magulang nila ay corrupt).”

Sinang-ayunan naman ito ni Karylle at sinabing, “Paano sila nabubuhay sa mundo?… Na parang meron na silang pi-norm sa utak nila na katotohanan.”

Dagdag naman muli ni Vice, “Paano kunyari naging nanay ka na tapos ‘yung tatay mo corrupt, paano pag tinanong sa ‘yo ng anak mo na ‘corrupt ba ‘yung lolo ko?’

“Paano mo sasabihin sa anak mo na, “Oo, corrupt ‘yung lolo mo’,” dagdag na tanong muli ni Vice.

“Ikaw, kaya mo?” Tanong naman ni Karylle kay Vice. At sinagot niya nang “Hindi ko alam pero hindi ako jojowa ng corrupt.”

Marami naman ang na-curious na rin sa tanong na ito ni Vice, may isa pa nga na nagsabing hindi lamang sa pulitika nangyayari ang kurapsyon maging sa malalaki at pribadong kumpanya rin.

“Well corruption is not limited on politicians alone, it also involves businessmen, tycoons that has lust for influence, greed and power.”



Vice Ganda na curious sa kung ano ang nararamdaman ng mga anak ng corrupt officials
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments