Nalalapit na ang paglipat ng Kapamilya TV Host na si Kuya Kim sa ibang network batay na rin sa kaniyang FB Live
Nitong nagdaang araw lamang ay naging usap-usapan ang di-umano’y nalalapit na paglipat ng Kapamilya News host na si Kuya Kim Atienza sa ibang network.
Unang pumutok ito ng ibalita sa website na Politiko ang naturang balita, ayon sa kanilang source ay nalalapit na nga ang napipintong paglipat nito sa Kapuso Network.
Matapos na mailathala ito ay walang opisyal na anunsiyo si Kuya Kim sa kaniyang social media account at tila tikom ang bibig nito sa katotohanan ng naturang balita.
Ngunit ngayong araw nga ay nagsalita na si Kuya Kim mula sa kaniyang social media sa kung ano ang katotohanan sa balitang ito, ani ni Kuya Kim ay may mahalaga siyang anunsiyo sa TV Patrol ngayong darating na Oktubre 01 kung saan tinawag niya pa itong makasaysayan.

Sinabi pa ng host na sa kasalukuyan ay nakakaranas siya ng transition sa kaniyang buhay kung saan idinadaan niya ang lahat sa panalangin.
Dagdag pa ni Kuya Kim na sa gagawin niyang ito ay tatanggapin umano niya ang anumang negatibong ibabato sa kaniya lalo na ng mga tagasunod niya.
Tanggap din ng TV Host na maaaring mayroong mag a unsubscribe o mag a unfollow sa kaniyang social media dahil sa desisyong kaniyang ginawa.
Hindi man tahasang sinabi pa ni Kuya Kim ang mangyayari ay tiniyak na ng aming source na ang tinutuloy ng TV host ay ang kaniyang paglipat sa Kapuso Network.

Sa dagdag impormasyon ay inofferan umano ng Kapuso Network ng mahigit sa limang programa na kaniyang pagta trabahuhan na tiyak at hamak na mas malaking offer kumpara sa kung anuman ang meron siya ngayon.
Samantala sa latest news naman ng entertainment website na PEP ay ibinunyag nito na ngayong araw din ay kinunan na ang OBB o Opening Break Bumper para sa bagong programa ni Kuya Kim sa GMA.
Sakay ng kanyang motorsiklo, leather jacket, denim jeans, at boots ang kasuotan ni Kim nang dumating siya sa GMA Network building sa Timog Avenue, Quezon City, dagdag impormasyon pa ng pep.
Matatandaang nanatili ring isang solid kapamilya si Kuya Kim sa loob ng mahigit sa labing-anim na taon, ayon naman sa balita ay maayos na nagpaalam na si Kuya Kim sa ABS-CBN Management.
Wala ng Atrasan!, Kuya Kim Atienza lilipat na sa Kapuso Network
Source: Babaero Balita

0 Comments