Humakot muli ng National winner awards ang ABS-CBN para sa taunang Asian Academy Creative Awards
Ngayon araw ng September 30 nga ay inilabas na ng Asian Academy Awards ang listahan ng mga nagwagi sa kani kanilang bansa upang ma i-represent sa taunang Asian Academy Creative Awards.
At sa naturang patimpalak ay humakot ng National Winner ang ABS-CBN Kapamilya Network ng iba’t-ibang National Winner awards para sa bansang Pilipinas.
Ang mga naturang National Winner ang siyang pambato ng ating bansa para sa iba’t-ibang bansa rin ng asya na kabilang sa naturang academy awards.

Kinilala si Karen Davila sa kaniyang kahusayan bilang News Anchor matapos na makamit niya ang Best News Anchor para sa bansa.
Ang Hit TV Adaptation ng “He’s Into Her” ay humakot din ng national awards matapos na makamit nito ang Best Original Programme/OTT, nakamit din nito ang Best Director para kay Chad Vidanes at ang bagong Boy Group na BGYO ay kinilala rin para sa kanilang themesong sa naturang serye at itinalaga bilang national winner for Best Theme Song.

Nangibabaw naman ang galing ng Unkabogable Star Vice Ganda para sa kaniyang programang ‘Everybody Sing’ matapos na makamit nito ang Best Music/Dance Programme at ang Best Entertainment Program Host para kay Vice Ganda.

Lumitaw naman ang kagalingan ng Huwag Ka Lang Mangamba stars na sina Slyvia Sanchez at Nonie Buencamino matapos na makamit nila ang Best Supporting Actress at Actor National award.
Ang isa sa mga episode naman ng longest running drama anthology ng bansa na Maalaala Mo Kaya ay nagwagi rin sa Best Single Drama/Anthology Episode.

At ang pagkilala kay JM De Guzman para sa pinakamalaking parangal as Best Actor para sa mahusay at kagila gilalas niyang pag ganap sa hit teleseryeng ‘Init Sa Madagmag.

Ang naturang pagkilala sa mga naturang programa, artista at direktor ay isang pagpapatunay ng pagiging worldclass ng galing ng bawat pinoy.
Magaganap ang Grand Award and Gala Final ngayong December upang makilala ang siyang mga nagwagi sa kani kanilang kategorya.
Matatandaang nakaraang taon ng magwagi si Arjo Atayde bilang Best Actor sa kaparehong awards para sa natatanging pag ganap niya sa hit iWant TFC original series na ‘Bagman’.
ABS-CBN humakot ng National Winner para sa ASIAN Academy Creative Awards
Source: Babaero Balita

0 Comments