Matapos na na-ispotan na magkasama sila sa Subic, AJ Raval may kumento sa pagkaka ugnay kay Aljur Abrenica
Matagal ng nai-intriga sina AJ Raval at Aljur Abrenica matapos na magsama sila sa isang mapangahas na pelikula mula sa Viva Films na ‘Nerisa’.
Matatandaan kasing sa kasagsagan ng naturang pelikula ng mabunyag na naghiwalay na ang mag-asawang sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
Wala mang tahasang kumpirmasyon magpasa hanggang ngayon ang dalawa sa kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan ay patuloy na ini intrigang 3rd party ang dahilan ng hiwalayan nila.
Samantala sa kaniyang social media accounts bilang isa sa self proclaimed na tsismoso ng bayan ay nagbahagi ng post si Christian Albert Gaza ng mainit na scoop hingil sa di-umano’y namumuong relasyon sa pagitan nina Aj Raval at Aljur Abrenica.

“Mainit-init pa mga marites(tawag sa online tsismosa), Actual video na magkasama si Aljur Abrenica at AJ Raval sa subic ay uploaded na sa loob ng Isyus App!! OMG Nakakalokaaa!,” ani Xian sa kaniyang post.
Ang nasabing Isyus App ay ang app na binuo mismo ni Xian Gaza upang maging tambayan ng mga marites na kagaya niya na palaging pinag uusapan ang mga latest chika sa social media, sa nasabing video ay makikitang magkasama nga sina Aljur Abrenica at AJ Raval.
Tila nakarating naman kay AJ Raval ang naturang isyu kaya naman nagbahagi ito ng maikling mensahe sa kaniyang facebook account, “Luh Issue Kayo! Hahaha,” natatawang sagot lamang ni AJ.
Sa kaniya namang panibagong post ay sinabi ni Xian Gaza na mayroon muli siyang pasabog patungkol kay AJ Raval na ikagugulat ng lahat na ni replyan naman ni AJ ng, “Ang dami mong alam hayup ka hahaha”.

Ngunit tila ata nagka-usap na sina AJ Raval at Xian Gaza dahil hindi na itinuloy pa ni Xian ang paglalabas niya ng pasabog niya patungkol kay AJ Raval.
Humingi na ng paumanhin si Xian Gaza kay AJ Raval sa mga nasabi umano nito sa kaniya at kasunod nito na hindi na nga niya itutuloy na ilabas ang exposé na pinatutungkulan niya kay AJ Raval.
Nilinaw naman ni Xian na kung may relasyon man ngayon sina Aljur at AJ ay hindi umano maituturing na 3rd party si AJ sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
“Just to be clear. Sa lahat ng tsismis at intel na nasagap ko about them, one thing is for sure: Si AJ ay hindi 3rd party kay AA at KP. Nangyari lahat ng eksena after the hiwalayan. Ito na ang huling post ko about them. Let’s all move on mga Mars. Goodnight,” huling hirit ni Xian Gaza.
AJ Raval nagsalita na hingil sa pagkaka-ugnay kay Aljur Abrenica
Source: Babaero Balita

0 Comments