Nagbahagi ng mensahe si Angel Locsin sa mga kagaya niyang nais magbawas ng tibang ngunit tila nahihirapan gawin ito
Naging trending at talaga namang usap-usapan ang naging mabilis na transformation ni Angel Locsin na labis na ikonatutuwa ng kaniyang mga tagahanga.
Ilang buwan pa lamang kasi ang nakakaraan ng ibinunyag ni Angel Locsin sa kaniyang social media accounts ang pagpayag ng kaniyang doktor na magsimula na itong mag diet.
Matatandaang sa nakalipas na mga taon ay kapansin pansin ang paglaki ng katawan ni Angel Locsin na aniya ay resulta ng kaniyang pagpapagamot dahil sa sakit sa likod na matagal na niyang iniinda.
Matapos ang ilang taong gamutan ay ito na nga’t pinayagan na siyang mag diet, at sa ilang buwan pa lamang ay kapansin pansin na ang malaking pagbabago ng kaniyang katawan, kamakailan lamang nga ay naging viral ang kaniyang ipinost sa IG account dahil kitang kita na ang malaking pagpayat nito.

Kaya naman may mensaheng nais ipahatid si Angel Locsin sa mga kagaya niyang nais na magpapayat ng katawan ngunit tila nahihirapan pa rin sa kanilang routine.
“Hello everyone! About my recent post that became viral, first, I want to say that knowing how to pose the right way can help you look slimmer. I think everyone who posts ootd’s or watched Top model knows this,” umpisa ng kapamilya actress.
“So for those struggling to lose that extra weight, please don’t feel pressured. I tell you that I understand that it’s not easy, having been fighting weight gain for years.
“Pressure did not and will not help. Just take your time. Your body, your rules. Just don’t forget to love every inch of you in the process, no matter what other people may say. You are more than your weight or how you look,” dagdag pa nito.

Dagdag pa ng misis ni Niel Arce na sa kabila ng malaking pagkakabawas na ng kaniyang katawan ay nasa working progress pa rin umano ang lahat ng ito.
“Though I feel good now. I’ve been taking care of my health and trying out something new. I will share with you my process and journey some other time, when I’m more confident na.
“But this is not without struggles and bumps. I will not let anyone dictate my pace. But I am looking forward to what I can achieve in the next 3 months or so,” paglalahad pa nito.
Marami sa kaniyang mga tagasunod ang tunay na nasiyahan sa mensaheng ito na ibinahagi ni Angel, lalo pa’t ipinupunto niya na mas mahalaga ang kung ano ang tingin mo sa sarili mo at huwag magpa apekto sa kung ano ang masamang sasabihin sa iyo ng iba.
Angel Locsin may mensahe sa kapwa netizens na nais magpapayat
Source: Babaero Balita

0 Comments