Kilalanin si Cristom Gonzales, ang pinakabagong singer singwriter ng bansa na siyang papasukin ang mundo ng musika upang ipakita ang kaniyang angking
Kilalanin si Cristom Gonzales, ang pinakabagong singer singwriter ng bansa na siyang papasukin ang mundo ng musika upang ipakita ang kaniyang angking galing at talento.
Si Cristom na 19 years old sa ngayon ay ipinanganak sa Mandaluyong City at kasalukuyang nakartira sa Puerto Princesa City, sa isang panayam ay ibinahagi nito na simula pa lamang ng 7 years old siya ng magsimula siya sa larangan ng musika.

Maka-ilang beses na rin siyang nag perform, kumanta, at sumulat ng kanta noong nag-aaral pa lamang siya, at ngayon nga sa panibagong yugto ng kaniyang career ay ipamamalas na niya ang kaniyang buong talento.
Hindi na rin siya bago pagdating sa mundo ng entertainment lalo na at nakasali na rin siya sa pageant noon sa palawan for ‘Make your school Proud’, at sa mundo ng modelling kung saan nag model siya para sa isang local clothing line sa Palawan.
Ini released na kamakailan ang kaniyang kanta na siya mismo ang sumulat at may titulo itong ‘SUS’, na aniya ay short for suspicions. Isang expresyon din na madalas gamitin nating mga pinoy.
“The ‘sus’ short for suspicions, is the root of the song’s story. The guy in the story doesn’t want to seem ‘sus’ with how he plans to talk to the girl so he repeatedly tells himself not to, hence the lyric “just don’t be ‘sus’ about it”,” ani Cristom sa kaniyang kanta.
“The inspiration for the song is everyone who overthinks like how Virgos usually are because I myself am a Virgo po born in September,” pagpapaliwanag pa ni Cristom.

Sa tulong ng Infinite Moment Creations Media Production na siyang nag produced ng music video para sa kaniyang kanta ay naipamalas niya ang tunay na kahulugan ng kaniyang kanta.

Directed by Danette Orlido, na siyang maituturing na bihasa na sa larangan ng directing matapos na magwagi ang kaniyang thesis film sa ‘4th Singkwentro International Film Festival’ noong 2019.
‘SUS’ written and sung by Cristom Gonzales, MV directed by Danette Orlindo, Produced by Monica Montejo via Infinite Moment Creations Media Produiction.
Watch the official MV of ‘SUS’ here:
Infinite Moment Creations Media Production Facebook Page: https://ift.tt/3B5x7Zs
Cristom Gonzales: https://ift.tt/2WvLJSW
New Artist to watch for: Cristom Gonzales released new song ‘SUS’
Source: Babaero Balita

0 Comments