Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Ilang Kaibigan at Kapamilya stars nag react sa paglipat ni Kuya Kim sa Kapuso Network

Ilan sa mga kaibigan at katrabaho ni Kuya Kim Atienza ang siyang nagpahayag ng kanilang reaksiyon sa nalalapit na pag-alis nito sa Kapamilya Network


Nitong nagdaang mga araw lamang ay naging laman ng balita ang tagapaghatid ng balita na si Kuya Kim Atienza matapos na naging usap-usapan ang di-umano’y nalalapit niyang pag alis sa Kapamilya Network.

At noong isang araw lamang ay nagsalita na sa wakas si Kuya Kim at inihayag niya sa kaniyang mga tagahanga na mayroon siyang isang malaking desisyong ginawa.

Ito ay ang tuluyan niyang pag-alis sa kaniyang kasalukuyang tahanan na ABS-CBN na sa loob ng labing-anim na taon ay kaniyang naging bahay na rin.


Tuluyan na itong mag o-over da bakod sa kabilang istasyon na kapuso network kung saan ayon sa report ay mahigit sa triple ang offer sa kaniya sa kasalukuyang meron siya sa Kapamilya, mahigit sa apat o limang programa umano ang ini-offer sa kaniya na hindi nito natanggihan.

At kagaya ng ilang mga artistang naglilipatan sa kung saan mang istasyon ay marami ang nalulungkot sa desisyong ito na paglipat ni Kuya Kim sa Kapuso network.

Kung ang mga fans ay emosyonal o hindi agad matanggap ang desisyong ito ay tiyak na mas hindi madali sa mga kaibigan niya sa kapamilya network.

Sa kaniya pa ngang Instagram account ay nagbahagi si Kuya Kim ng litrato niya habang kaakbay niya ang mga kasamahan sa TV Patrol na sina Noli De Castro at Gretchen Fulido kaakibat ang caption na, “no words”.

Iba’t-ibang malalapit na mga kaibigan sa industriya ang siyang hindi napigilang magbahagi ng kani-kanilang reaksyon sa paglipat na ito ni Kuya Kim.

Ang mga kaibigan niya sa hit noontime show kung saan minsan na siyang naging bahagi nito na ‘It’s Showtime’ ay nagsipag-bahagi ng kanilang mensahe para sa kaniya.

“Love you Ninong, God Bless you more,” ani ni Vhong Navarro. “Going to miss you Ninong!!! Love You!,” kumento naman ni Anne Curtis.

Maging si Angel Locsin ay nagbahagi ng kumento na, “Love you kuya Kim”. Maging ang ka-partner niya sa TVP na si Gretchen Fullido ay nagkumento rin ng kapareho nang kay Angel.

Ang ilan sa mga batikang brodkaster din na naging kaibigan ni Kuya Kim ay nagbahagi rin ng mensahe para sa kanya, “Many good things must end. But many other good things never do,” kumento ni Korina Sanchez. “Awwww Love you Kim always! And be blessed where ever you go,” sabi naman ni Karen Davila.

Samantala may isang netizen naman ang nagsabing malulungkot siya sa pag-alis ni Kuya Kim ngunit mananaig umano ang pagiging forever kapamilya viewer niya, suhestiyon pa niya na sana ay huwag nang dalhin ni Kuya Kim ang tagline na “Ang buhay ay weather weather lang” sa kabilang istasyon at ibalato na lamang niya ito at iwan sa ABS-CBN.



Ilang Kaibigan at Kapamilya stars nag react sa paglipat ni Kuya Kim sa Kapuso Network
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments