Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Richard Gomez nangakong tutulungan ang ABS-CBN sakaling manalo ito sa Halalan

Nangako si Richard Gomez na tutulungan nito ang ABS-CBN na mabigyan ng prangkisa sakaling manalo bilang Congreeman ngayong darating na Halalan


Lagpas isang taon na mula ng tuluyang mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN Kapamilya Network dahilan upang maputol sa himpapawid ang kanilang pag ere.

Tuluyan ding naputol ang pag-asa na makabalik agad sa ere ang ABS-CBN ng tuluyang ibasura sa kamara ang nakahaing pagre renew ng prangkisa kahit na walang ibang dahilan upang hindi ito i-renew.

Nag resulta ang kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN sa mahigit sa limang libong empleyado nila na tuluyang mawalan ng trabaho sa kalagitnaan ng pandemya.


Sa kasalukuyan ay maaari pa ring muling pag-usapan ang pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN upang makabalik na ito sa ere ngunit nilinaw ni Lord Allan Velasco, Speaker of House of Representatives na nasa mga kamay na ng susunod na kongreso ang gawaing ito, o sa madaling salita ay matapos ang Halalan 2022.

Samantala sa isang interview ay nagbahagi ng kaniyang pangako si PDP-Laban member at Ormoc Mayor Richard Gomez patungkol sa ABS-CBN.

Ani nito na kung sakaling manalo siya bilang Congreeman ngayong darating na Halalan ay tinitiyak niyang tutulungan niyang mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

“If the good Lord will bless me with the chance of winning in Congress, I’d like to work on bringing back ABS-CBN,” panimula nito.

Ibinahagi nito na matagal din siyang naging isang Kapamilya na nagbigay trabaho sa kaniya. “I was a long-time employee of ABS-CBN. I worked in ABS for 18 years.”

“In Congress, kanya-kanyang utak ‘yan. As a representative, you represent yourself and your people. So you stand there not as an individual.

“But you stand there for what is good for your people. Especially if it’s a national issue, you will always go for what is good for the whole nation. I am not Richard Gomez now without ABS-CBN,” ani Gomez.

The Freedom of speech and press should be very strong but at the same time, dapat hindi ito makakasira or ginagamit na tool pangsira sa tao,” dugtong pa niya.

Matatandaang isa sa mga napasikat noon ng ABS-CBN si Richard Gomez at kinilala bilang isa sa pinakamalalaking pangalan ng industriya, napabilang siya sa ilang hit shows ng ABS-CBN kagaya na lamang ng ‘Palibhasa Lalake’, ‘Walang Hanggang’ at marami pang iba.



Richard Gomez nangakong tutulungan ang ABS-CBN sakaling manalo ito sa Halalan
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments