Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Andrea Brillantes inaming wala masyadong kaibigan sa showbiz, “Maraming plastic sa showbiz”

Ipinaliwanag ni Andrea Brillantes ang ilang ibinabatong issue sa kaniya ng ilang netizens lalo na ang pagiging maldita o suplada umano niya


Sa latest YouTube vlog ng kapamilya actress na si Andrea Brillantes ay game na game na sinagot ng dalaga ang mga assumptions ng netizens patungkol sa kaniya.

Kabilang na dito ang di-umano’y pagiging suplada niya at maging ang pagiging retokada niya na madalas ipukol sa kaniya ng ilang netizens at bashers niya.

Una niyang sinagot ang pagiging retokada umano niya at ipinagdiinan niyang hindi siya nagpa retoke, natural umano ang kaniyang itsura mula pa noong bata siya magpasa-hanggang ngayon.


“Hindi po ako retokada pero thanks for thinking that. Ibig sabihin may maganda sa mukha ko para maisip niyo na retokada ako. Kung titingnan n’yo rin naman ‘yung mga baby pictures ko, kung iisipin n’yo na peke ‘yung ilong ko, pero tumubo lang itong bridge ko noong ‘Kadenang Ginto’.

“Kasi manas na manas ‘yung mukha ko dati at doon ako nagsimulang pumayat. Tsaka nagma-mature kasi talaga ang mukha,” paliwanag ni Andrea.

Sinagot din ng dalaga kasabay ang paglilinaw ang patungkol sa pagiging bully umano niya. Sa kaniyang paliwanag ay kinabit niyang kabaliktaran umano ang naging role niya sa ‘kadenang Ginto’ at kung tutuusin ay siya pa ang nabu bully noon.

“Ako ‘yung nabu-bully lagi sa school. Lagi nilang tinatawag na higad ako, kasi nga sa kilay ko, tsaka kasi ako ‘yung pinakamaliit.

“Wala akong friends, as in pagpasok ko pa lang sa school, nursery pa lang, wala na akong friends. Hindi nila ako sinasali sa laro nila, lagi lang akong nasa corner. Ako ‘yung ganu’ng bata dati,” pahayag ng young actress.

Dahil umano sa pambu bully’ng iyon na kaniyang natanggap noon ay naging matatahimikin siya at nais na lamang niyang umiwas sa mga tao, bagay na ikinakabit ng ilan bilang pagsusuplada umano niya.

“Ang dami talagang taong nagsasabi na suplada ako. Dati kasi sobrang mahiyain ako. Kasi nga ‘di ba ako ‘yung laging hindi pinapansin, ako ‘yung laging nasa sulok lang, ako ‘yung laging binu-bully so hindi ako namamansin ng mga tao kasi feeling ko lahat sila aawayin lang ako.

“Pero ngayon winork out ko na ‘yung personality ko kasi nami-misinterpret ‘yung pagiging mahiyain ko sa pagiging maldita.

“Yung wall ko medyo bine-break ko na siya. Kahit maraming masamang tao hindi dapat ‘yun maging dahilan para baguhin mo ‘yung pagiging mabait mo,” dagdag na paliwanag pa ni Andrea.

Nilinaw din ng dalaga sa isang bahagi ng kanyang vlog ang isyung ibinabato sa kaniya lalo na ng mga bashers na wala raw siyang masyadong kaibigan sa showbiz industry.

“Lumaki naman talaga akong walang friends. Hindi lang kasi importante sa akin na marami akong kaibigan. Kasi nga believe it or not, alam ko alam niyo naman na maraming plastic sa showbiz,” ani Andrea.

Ibinahagi pa ng young actress na may ilang kaibigan din naman siya sa showbiz, kabilang na nga riyan ang ka-loveteam niyang si Seth Fedelin.

“Meron akong friend, si Seth, duh! Ha-hahaha! So I’m not lonely. Tsaka kasi hindi lang talaga ako ma-post na lumalabas kami kasama nito, kasama ni ganyan,” dagdag pa nito.



Andrea Brillantes inaming wala masyadong kaibigan sa showbiz, “Maraming plastic sa showbiz”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments