Binanatan ni Cristy Fermin si Kuya Kim Atienza dahil umano sa kawalan ng paninindigan nito matapos na iwanan ang kapamilya network
Patuloy nga na pinag-uusapan magpasa-hanggang ngayon ang biglaang paglipat ni Kuya Kim Atienza sa Kapuso network matapos ang labing-anim na taon bilang isang Kapamilya.
Noong una ay naging blind-item lamang ito ng ilang mga publikasyon ngunit nang mag facebook live na si Kuya Kim ay nahinuha na ng lahat ang ginawa nitong desisyon.
Nitong October 01 lamang ay pormal na siyang nagpaalam sa kaniyang mga kapamilya viewers at mga kasamahan sa news program na TV Patrol.
Marami ang kumikwestiyon mag pasa hanggang ngayon sa kaniya dahil sa naunang binatawan ni Kuya Kim noong kasagsagan ng kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN, ani kasi niya noon na tiyak siyang makakabangon ang Kapamilya Network at nangako siyang magiging forever kapamilya.

Sa kaniyang radio program ay binanatan ni Cristy Fermin si Kuya Kim dahil umano sa kawalan nito ng paninindigan at walang isang salita.
Kinuwestiyon nga ng batikang showbiz commentator ang paninindigan ni Kuya Kim dahil siya mismo ang sumisira sa kaniyang imahe sa tila ginawa nitong pagta traydor sa mga kapamilya fans.
“Kung lilipat na siya sa GMA, paano na ‘yung binitiwan niya noon na hanggang sa huli n’yang hininga mananatili siya sa ABS-CBN?” tanong ni Fermin.
“Yang mga pagsasalita ng mga pangako na malalalim na mga ganyan, ‘yung sinasabi ni Kuya Kim noon up to his last breath, na hindi siya aalis sa ABS-CBN.

“Paano mo haharangin, paano mo ipapaliwanag ang punto mo ngayong papalipat ka na pala samantalang nangako ka noon noong kasagsagan ng inyong ideolohiya tungkol sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN na hindi ka aalis, hindi ka lilipat hanggang sa huling hininga mo. Kaya kapag hindi kayang panindigan, ‘wag magsalita,” dagdag pa nito.
Sa naging facebook live nga ni Kuya Kim ay ipinaliwanag nitong idinaan niya sa panalangin ang pag gawa niya ng kaniyang desisyon ng tanggapin niya ang offer ng GMA.
Nilinaw din nito na tatanggapin niya ang anumang reaksiyon lalo na ng mga kapamilya viewers hingil sa malaking desisyong ginawa niyang ito na tinawag pa niyang historical para sa kaniyang buhay.
Samantala sa kaniyang pag-alis naman ay malakas na naging usap-usapan at hiling ng mga kapamilya viewers na si Migs Bustos, na isang ANC reporter, ang siyang ipalit sa maiiwang pwesto ni kuya Kim sa TV Patrol.
Cristy Fermin binanatan si Kuya Kim Atienza, wala umano itong paninindigan?
Source: Babaero Balita

0 Comments