Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

8-Karat Diamond Ring na regalo ni Ivana Alawi sa sarili, worth P12M pala?

Tumataginting na P12M pala ang halaga ng singsing na binili ni Ivana para sa sarili


Milyun-milyon, ito nga ang halaga ng singsing na siyang iniregalo ni Kapamilya star at YouTube star na si Ivana Alawi para sa kaniyang sarili.

Matatandaang noong Enero ay ibinunyag ni Ivana Alawi sa kaniyang YouTube vlog ang isang bagay na kaniyang iniregalo sa sarili noong kaarawan niya.

Isang 8-Karat Diamond Ring ang siyang napag desisyunang bilhin ni Ivana Alawi na siyang nagsilbing pinakamahal na regalo para sa sarili niya.


Ipinaliwanag naman ni Ivana ang kaniyang dahilan sa pagbili ng naturang singsing ani nito na hindi na niya hihintayin pa ang isang lalaki na bilhan siya nito, “Bakit ako mag-aantay sa lalaki, e di bilhan ko na lang sarili ko, ‘di ba? It’s just a symbol to love myself. Parang gift ko talaga siya para sa sarili ko,” sabi ni Ivana.

Ipinangalan ni Ivana sa sarili ang naturang singsing na tinawag niyang Ivana Moon, na ani sa kaniya ay sumisimbulo sa self love, “I’m not engaged. I’m just loved.

“This is the gift to myself. So, proud kasi it’s a reminder to work hard for your dreams. Kasi dati pangarap ko lang talaga ito. ‘Tapos sa akin na siya. It’s just a dream come true. I will treasure this.”

Samantala sa latest entertainment article na ibinahagi ng PEP ay ibinulgar nila ang naging meeting nila sa may-ari ng naturang singsing na pinagbilhan ni Ivana.

Ayon sa naturang report ay tila itinadha ang pagtatagpo nila Ivana at ni Drake na siyang may-ari ng naturang brand dahil nasa sa isip na umano ni Drake na kunin si Ivana bilang endorser nila.

“Too weird. Parang tinadhana ni universe… yung tingin namin… Before namin siya kunin, hinahanap na namin siya. Biglang yung mom niya, si Tita Fatima, nag-message sa Facebook namin.

“Yung sales team namin, sinabi nag-message yung mom ni Ivana. Sabi ko, ‘Oy, ako na. Ibigay mo sa akin, ako na kakausap.’ And then in-introduce sa akin ni Tita Fatima si Ivana thru IG [Instagram]. Then we started collaborating sa IG muna. Yung parang pullouts-pullouts muna,” kwento ni Drake.

Maganda umano ang relasyon nila bilang endorser kay Ivana dahil nakapag dala ito ng maraming clients sa kanila, matapos umano nito ay gumawa sya ng isang 8-Karat Diamond Ring na siyang binili ni Ivana.

Hindi umano nila ibinibenta ang naturang singsing, ngunit dahil nagawa ito bilang inspirasyon kay Ivana kaya naman pumayag na si Drake na bilhin ito ni Ivana at aniya ay tila meant to be ito talaga para kay Ivana.



8-Karat Diamond Ring na regalo ni Ivana Alawi sa sarili, worth P12M pala?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments