Tinawag na Big Joker ni Lolit Solis si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pabago bagong pahayag nito tungkol sa pulitika
Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng kaniyang opinyon ang sikat na showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis patungkol kay Pangulong Duterte.
Dito ay napansin niya ang pagsama pa ni Duterte sa kaniyang kaibigang si Senator Bong Go matapos na mag file ni Go nang kaniyang candidacy para sa pagka bise presidente.
Pinuna nito ang tila pabago bagong isip ni Pangulong Duterte na noong una ay ok naman daw upang hindi umano mabasa ang mind game nito, ngunit kalauna’y hindi na nakakatuwa.
“Talagang big joker si Papa Digong, Salve. Imagine mo na sinamahan pa sa filing ng candidacy si Bong Go for VP at nag-announce na retire na siya sa politics. Kaloka di ba? Para bang pag may sinabi siya, dapat wait ka muna baka mamaya eklay lang, joke lang.

“Nung una cute dahil parang hindi mo mabasa ang gusto niyang mind game, pero lately parang ano ba iyan, bakit hindi seryoso sa dapat seryosong bagay,” ani Lolit.
Napansin din nito na tila hindi raw makakatulong kay Bong Go ang pangyayaring ito dahil tila baga nagiging sunod-sunuran na lamang umano ito sa gusto ni Digong.
“Ewan ko kung maganda para kay Sen. Bong Go iyon para bang lahat ng kilos niya under the command ni Papa Digong . Dapat din tignan kung plus or minus factor ang pagiging sobrang lapit niya dito.,” pakli ni Lolit.
Ani pa ni Lolit na tila pa sarkastiko kung iisipin ay sa kabila ng seryosong nangyayari sa bansa ay idaan na lang lahat sa biro lalo pa’t maraming joker na kagaya ni Pangulong Duterte.

“Saka duon sa latest survey, mas mataas ang bilang ni Tito Sotto kay Papa Digong kaya mabuti narin na umatras na siya sa pagtakbong VP.
“Mukhang mas mahigpit pa ngayon ang labanan, habang papalapit na ang eleksiyon. Kaya wait tayo sa marami pang comedy na lalabas.
“Gawin na lang natin katatawanan ang lahat, dahil seryoso ang sitwasyon, masyado ng mabigat. Mabuti na lang maraming joker na nagkalat. Bongga!!,” buong pahayag ni Lolit.
Hati naman ang reaksiyon ng mga nag kumento sa post na ito ni Manay Lolit Solis, marami ang sumang-ayon na tila ginagawa na lamang katatawanan ng nasa gobyerno ang pamamahala nila sa bansa, may iba naman na nagsabing strategy umano ito ni Digong.
Lolit Solis may patutsada kay Pangulong Duterte, “Big Joker si Papa Digong”
Source: Babaero Balita

0 Comments