Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Kira Balinger sinupalpal ang fake news ng isang Kapuso Fan tungkol sa kanya

Agad na sinupalpal ni Kira Balinger ang mga kapusong nagpapakalat ng maling impormasyon patungkol sa kaniya


Tila nagulat at nawindang ang certified Star Magic artist at Kapamilya actress na si Kira Balinger sa isang post patungkol sa kaniya.

Sa isang tweet kasi ng isang nagpapakilalang social media influencer at ‘kapusong totoo’ raw ay lilipat na ng kapuso network si Kira Balinger.

“Former Star Magic talent KIRA BALINGER will also be joining GMA Network! Welcome and Congratulations, Kapuso!,” tweet ng naturang kapuso fanatic.


Sa isa pang hiwalay na tweet ay nagbahagi pang muli ang naturang kapuso fan na bukod sa paglipat ni Kira at agad na gahawa ito ng teleserye kasama ang isang kapuso actor, “KELVIN MIRANDA and former Star Magic talent KIRA BALINGER will be having a teleserye very soon.Abangan,” sabi sa tweet nito.

Tila nakarating agad ang naturang tweet na ipinakakalat ng kapuso fanatic kay Kira Balinger kaya naman nagbahagi ang dalaga ng kaniyang kumento tungkol dito.

“Ows talaga? Di ko alam to ah,” natatawang quoted tweet ni Kira Balinger sa naunang tweet ng naturang kapuso fanatic na isa pa lang fake news.

Marami ang natawa sa naturang tweet dahil isa lamang pala itong fake news na siyang ipinakakalat ng naturang kapuso fanatic.

Sa aming pagbabasa basa sa naturang twitter account ay isa pala itong diehard kapuso fan na walang ibang ginawa kundi ang siraan at magkumento ng negatibo patungkol sa ABS-CBN.

Matapos na pagtawanan at sagutin ni Kira Balinger ang naturang fake news tweet ng kapuso fan ay binura na nito ang tweet niya na tila napahiya sa kaniyang ginawa.

Marami rin ang nagkumento na kung nauubusan na raw ba ng magagandang artista ang kapuso network at bakit kailangang mang angkin pa ng mga magagandang kapamilya actress.

Matatandaang hindi lamang ito ang unang beses na nagpakalat ng fake news ang mga kapuso fans matapos na ipakalat nilang eere sa kanila ang ‘Doctor Foster’ kahit hindi naman ito totoo.

Bukod pa rito ay matatandaang pumirma lamang ng exclusive contract nitong nakaraang taon si Kira Balinger kung saan kasama niyang pumirma sina Jane De Leon, Robi Domingo, Kim Chiu at marami pang iba.



Kira Balinger sinupalpal ang fake news ng isang Kapuso Fan tungkol sa kanya
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments