Nadine Lustre binanatan ni Cristy Fermin sa pagsu suot nito ng two piece, Nadine may reply para kay Cristy?
Panibagong linggo, panibagong issue ang dapat na pag-usapan at bigyang opinyon para sa batikang showbiz and radio personality na si Cristy Fermin.
Sa kaniyang radio program ay naglabas nga ng kaniyang saloobin si Cristy Fermin patungkol sa mainit na artista ngayon na si Nadine Lustre.
Matatandaang ilang linggo na ang nakakaraan ng mag trending at maging usap-usapan ang litrato ng isang netizen na ibinahagi nito sa social media.
Sa naturang litrato ay makikitang bumibili ng ‘Mang Tomas’ si Nadine Luistre sa isang munting sari-sari store sa probinsya ng Siargao habang litaw ang kaseksihan nito dahil sa kaniyang kasuotan, ani ng kumuha ng litrato na nakakapanibago umanong makakita ng artista na bumili sa isang munting sari-sari store kaya niya ito kinunan ng litrato.

Nakarating kay Nadine Lustre ang naturang trending picture at tila ikinatuwa rin nito ang pagkaka aliw ng netizens at ibinuking na lechon manok ang kanilang uulamin kaya siya bumili sa tindahan.
Bukod pa sa viral na litratong ito ay maka-ilang ulit na ring na-spot-an ng mga tagahanga niya ang aktres sa isla ng Siargao kung saan madalas ay naka-bikini siya.
Kamakailan lamang nga ay may isang netizen ang sinupalpal ni Nadine matapos siyang tawaging mataba sa kaniyang mga recent photos, sinagot lamang ito ni Nadine ng “ew body shamer”.
Kaya naman ito ang siyang napansin ng batikang showbiz at radio personality na si Cristy Fermin at binanatan ang kapamilya actress sa gawain umano nito.

“Si Nadine pumapa-show sa Siargao… lakad nang lakad, rampa nang rampa na naka-two piece.. Ewan ko no kung bakit ayaw niya mag-damit,” panimula ni Cristy.
“Tapos ngayon nagiging sentro siya ng body shaming. Sabi ng isang netizen, ‘Nadine napapansin na tumataba ka na, ingat-ingat’ Anong masama doon?
“Ikaw na hitad ka!, ayaw mo mag-damit pa show ka nang pa-show kahit saan, bibili ka lang ng sarsa ng litson, kitang-kita buong katawan mo. Para ‘di ka naba-bash, magtapis ka!,” pakli ni Cristy kay Nadine.
Samantala sa kaniyang twitter account matapos na maglabas ng kaniyang banat si Cristy ay nag tweet si Nadine na tila ba ipina pa tama niya para dito.
“2021 na, toxic pa rin … Marites talaga, ih,” tweet ni Nadine.
Cristy Fermin binanatan si Nadine Lustre: “Ikaw na hitad ka!..”, Nadine sumagot?
Source: Babaero Balita

0 Comments