Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Jacklyn Jose may patutsada para kay Albie Casiño, “Don’t use my daughter..”

Sa isang deleted Instagram post ay naglabas ng kaniyang saloobin si Jacklyn Jose laban kay Albie Casiño


Kamakailan lamang nga ay muling umingay ang mahigit sa isang dekada ng issue sa pagitan nina Albie Casiño at ng ex girlfriend niyang si Andi Eigenmann.

Sa isang kumu live kasi ay hindi naiwasang sagutin ni Albie Casiño ang katanungan ng ilang netizen sa kung ano ang masasabi niya sa ex girlfriend na si Andi Eigenmann.

“I don’t care, dude. I think it’s been long enough. It’s okay for me to talk about it. I guess she moved on. So, right, I can finally talk about it now. I don’t mind and I guess I’ll be no holds barred if they ask. I’m kind of tired of covering up for her, bro, you know what I mean? I’m not gonna hold my tongue so you can look good anymore.


Nang tanungin kasi ng isang netizen sa twitter si Andi Eigenmann kung nag sorry na ito kay Albie ay si Albie mismo ang nag reply ay diretsahang sinabing ‘Hindi pa’, nilinaw ni Albie na kung sinasabi ni Andi na nakapag sorry na ito ay para sa kanya naman ay hindi iyon form of apology.

Pero gaya na rin ng sinabi niya ay wala na umano siyang pake sa naturang issue, kung kakausapin man umano siya ni Andi ay hindi nya na ito gugustuhing maka usap pa, hindi umano siya makikipag plastikan pa.

Nagsusunod sunod nga ang pag suporta ng ilang netizens sa mga sinabing ito ni Albie patungkol sa lumang issue at pinapanigan si Albie sa mga pangyayari.

Pakli ng ilang netizens ay mahirap umano talagang mag moved on lalo pa’t makikita mong ang taong nanakit sayo ay hindi naman humingi ng kapatawaran at kasalukuyang masaya sa kaniyang buhay.

Ngunit pinalagan ito ni Jacklyn Jose, ina ni Andi Eigenmann, sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ito ng kaniyang pahayag laban sa tila pagpapa ingay lamang umano ni Albie Casiño.

“Pls pakiusap wag niyo galawin apo ko.. 1 dekada Lauren, pls stop this. Wala pupuntahan to kaibigan kita for so long, Wenn pa kapatid na kita… Nakii usap ako nananahimik na si Andi.

“Pero may sagot ako over board din I just want to keep quiet.. as a friend sa media ko na sinasabi pigilan mo yang batang ignorante kaysa magsalita ako.

“I so adore you wag mo sirain ang pangalan mo sa mamang yan.. I don’t want to put this in media but Im running out of time.. You want me to be quiet? Yung Albie Casiño? He has to keep hes mouth shut? Don’t use my daughter in your Circus.. You want the truth? Gusto mo sabihin ko in public paano mo bugbugin ang anak ko kahit buntis? Try mo ko,” pahayag ni Jacklyn Jose.

Ilang oras matapos niya itong ibahagi ay dinelete niya rin naman ang mga ito, ang tinutukoy niyang Lauren ay si Lauren Dyogi na head ng Star Magic at Entertainment na may hawak din sa Pinoy Big Brother kung saan kabilang si Albie ngayon bilang housemates.



Jacklyn Jose may patutsada para kay Albie Casiño, “Don’t use my daughter..”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments