Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Lolit Solis nag react sa balita nina Elisse at Mccoy, “Pag binalita, sabihin tsismosa…”

Nag react na si Lolit Solis hingil sa kantyaw sa kaniya ng mga netizens patungkol sa pagkaka huli nila sa balita nang pagkakaroon ng anak nina Elisse at Mccoy


Nitong nagdaang gabi lamang nga ay ginulat ng real life couple na sin Mccoy De Leon at Elisse Joson ang marami sa kanilang malaking rebelasyon.

Sa episode ng Pinoy Big Brother ay binisita ng dalawa si Big Brother upang sa kaniya sabihin ang magandang balita na dala dala nila rito.

Inanyayahan nina Elisse at Mccoy si Big Brother na maging ninong ng kanilang baby girl na si Baby Felize, na sa unang pagkakaataon ay ibinahagi nila sa madla ang litrato nito.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na sa Pinoy Big Brother nagsimula ang pagkaka mabutihan nina Mccoy De Leon at Elisse Joson na nagkasama para sa Pinoy Big Brother Lucky 7 kung saan kabilang sila sa mga celebrity housemates ni Kuya noong taong 2017.

Ngunit bukod sa pagiging trending topic ng masayang balitang ito na dala nina Mccoy De Leon at Elisse Joson ay kaakibat din ang nakakatawang kantyaw ng netizens.

Pinagkatuwaan kasi ng netizens ang naturang balita na tila nakalusot di-umano sa radar ng dalawang kilalang marites ng showbiz world na sina Lolit Solis at Cristy Fermin.

“Congratulations, hindi nalaman ng mga Marites ang pagbubuntis ni Elisse, kamot ulo nalang sina Lola Cristy at Lolit HAHAHAHAHA,” kumento ng isang netizen hingil dito.

Kaya naman sa kaniyang Instagram account ay naglabas ng kaniyang saloobin ang batikang showbiz columnist na si Lolit Solis sa mga kantyaw sa kanila ni Cristy Fermin.

“Natawa ako sa mga comments sa IG ko, Salve. Bakit daw wala akong balita tungkol sa pagbubuntis ni Elisse Joson, ang hina daw ng radar ko, dahil nagka anak ng baby girl pero hindi ko nalaman. Kalokah di bah ?

“Pag ibinalita mo, sasabihin pakialamera at tsismosa ka. Pag hindi mo sinulat, mahina kang klase ng reporter. Kaya nga ayoko ko ng take seriously iyon mga comments. Pero meron magalang at constructive na talagang grateful ako dahil dagdag knowledge din sa iyo na mabasa ang comment nila.

“Tutoo nga na don’t waste your time sa mga mahina ang comprehension dahil wala kang matututuhan, duon ka lang makipag usap sa mataas ang mental level para dagdag talino pa. Gusto ko batiin sila Elisse Joson at McCoy de Leon, dahil buong tapang nila inamin ang tunay nilang estado.

“Kinuha nilang ninong ng baby girl nika si Direk Lauren Dyogi dahil gusto nila manahin ng baby ang wisdom ni Direk Lauren Dyogi. Bongga. Iyan dapat ang pipili ng ninong at ninang, iyon may manahin maganda iyon baby nyo. Congrats again,” buong post ni Lolit Solis.



Lolit Solis nag react sa balita nina Elisse at Mccoy, “Pag binalita, sabihin tsismosa…”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments